Sam bina-bash, hindi raw ka-level nina James at Billy!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - March 16, 2019 - 12:00am

Ang sama naman ng ibang fans para sabihan si Sam Concepcion na hindi nito ka-level sina Billy Crawford at James Reid para mapasama siya sa concert nilang tatlo na The Cr3w na gagawin sa Araneta Coliseum sa April 5.

 

Ayon pa sa ibang netizens, baka raw malasin ang nasabing concert dahil daw nandoon siya. Sumasabay lang daw kasi ito sa kasikatan ng dalawa na parehong mayroon nang napatunayan sa music scene.

Kung sina Billy at James ay naglabas ng bagong kanta na Filipina Girl, si Sam naman daw ay gumawa lang ng sariling version ng kanta ni Sarah Geronimo na Ikot-Ikot.

At lalong tumaas ang kilay ng marami dahil parang wala raw original na kanta si Sam, puro revival lang.

Nagsimulang sumikat noon si Sam nang mag-champion siya sa big division ng singing contest na Little Big Star noong unang season nito.

Marami na ang nag-aabang sa concert ng tatlo na first time magsama-sama sa isang concert, kaya naman inaasahan ng lahat na dudumugin ang mga ito sa Araneta.

SAM CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with