EB dabarkads ligtas na sa bombahan sa Israel
EB dabarkads ligtas na sa bombahan sa Israel
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 16, 2019 - 12:00am

Nothing to worry ang fans ng Dabarkads ng Eat Bulaga, na on a pilgrimage ngayon sa Holy Land, in Israel. Last Thursday evening kasi ay nagkaroon ng breaking news na “missiles from Gaza – one was intercepted above Tel Aviv by Iron Dome. Although both rockets fell in open areas just short of Tel Aviv.” Reportedly, naka-Red Alert lamang sa Tel Aviv ngayon.

 

Pero safe na nga ang Dabarkads, dahil wala na sila sa Tel Aviv. Nag-post na sila na nasa Church of the Anunciation na sila sa Caparnaum. Ang group ay binubuo sa pangunguna ng big boss ng Eat Bulaga, si Mr. Antonio P. Tuviera and his wife, mga executives ng EB like Malou Choa-Fagar, Jeny Ferre, at ang Dabarkads ay sina Vic Sotto and wife Pauleen Luna-Sotto, Joey de Leon and wife Eileen, Allan K, Wally Bayola, Jimmy Santos, Ryan Agoncillo, Pia Guanio, Luanne Dy, Ryzza Mae Dizon and her mom, Maine Mendoza and Alden Richards. Kasama nila si Fr. Jeff Quintela, as their pilgrim’s priest.

Hindi nakasama si Ruby Rodriguez dahil hindi niya kakayanin ang maglakad dahil sa knee injury, si Jose Manalo naman ay may travel bond pa rin. Huling dumating sa Holy Land si Alden last Wednesday morning, dahil nagkaroon pa pala ito ng look tests para sa movie nila ni Kathryn Bernardo sa ABS-CBN Productions, Inc.

Blessed naman si Ryzza Mae dahil doon pa naganap ang kanyang First Communion, sa Stella Maris Church in Haifa, Israel.

Susunod na nilang pupuntahan ang Jerusalem, then sa Bethlehem. Ang dami pa nilang pilgrim sites na pupuntahan, like yung Baptism sa Jordan River, ang Via Dolorosa sa streets ng Jerusalem going to Mount Calvary at sa Bethlehem, sa place of birth ni Jesus Christ. Dabarkads, be blessed!

Pelikula nina Bayani at Gelli nakakuha ng R-16

Maraming nagtanong noong presscon ng bagong dramedy, kung ano raw ang ibig sabihin ng trending hugot movie of the year na Pansamantagal na nagtatampok for the first time sa matagal nang magkakilala at magkaibigan na sina Bayani Agbayani at Gelli de Belen, off-camera. Kasama nila si DJ Cha Cha sa first movie ever niya.

“Ito yung relasyon na nagsimula pansamantala lamang pero nagtuluy-tuloy ang bonding ng dalawang nagkasundo pero naging seryoso sa huli, sa kabila ng may pinagdaanan din silang chains of emotions,” sagot ni Direk Joven Tan para sa kanyang movie na produced ng Horse Shoe Studios for Reality Entertainment. “Ipakikita rin sa movie na ang magkarelasyon, hindi dapat masyadong maging seryoso, i-enjoy lamang, para hindi sayang ang oras.”

Iyon din ang sabi ni Gelli na kung may karelas­yon ka at tingin mo hindi tatagal, try mong pumili ng iba at kung hindi pa rin tama, huwag nang ituloy. 

Ang movie ay binigyan ng R-16 classification ng MTRCB, hindi dahil sa eksena, kundi dahil sa matapang na dialogues, na natural na sinasabi ng isang tao kapag nagagalit. Showing na ito in cinemas simula sa Wednesday, March 20.

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with