Nadine nag-goodluck sa ‘copycat’ issue ng ex ni James!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - March 16, 2019 - 12:00am

Simple lang ang naging comment ni Nadine Lustre sa paratang ni Ericka Villongco na isa siyang copycat. Ito ay “I wish you all the best”.

 

Si Ericka ay ex-girlfriend ng boyfriend ni Nadine ngayon na si James Reid.

Sa isang interview ni Ericka, nasabi nito na parang kinokopya raw ni Nadine ang kanyang personal style, pati kung paano siya mag-pose for pictures.

Halos pareho raw ang pose nila. Pero nagsalita na rin si Nadine sa copycat issue at sinabi nito na ang kanyang style ay inspired mula sa ilang Hollywood celebrities.“No. Parang wala. I think I have my own style, and I look for inspiration from other celebrities. I think I’m ano naman, I have my own individuality so I don’t see anything na parang kokopyahin ko.”

Dahil sa pagtawag ni Ericka na copycat si Nadine, nakatanggap ito ng bashing mula sa mga JaDine fans.

Zoren takot makabuntis agad si Mavy

Inamin ni Zoren Legaspi na mas tutok siya sa kanyang anak na lalaki na si Mavy Legaspi kesa sa babaeng kambal nito na si Cassy Legaspi. Marami raw dahilan kung bakit mas strict siya rito dahil ayaw niyang makabuntis ito ng maaga.

Kuwento ni Zoren sa media conference ng GMA primetime teleserye na Sahaya, binabantayan daw niya ang IG post ng kambal nila ni Carmina Villarroel. Kapag may nakita siyang inappropriate na post nila Mavy at Cassy, pinapa-delete daw niya ang mga ito.“Wala naman akong worry kay Cassy. Kasi si Cassy, mahiyain ‘yan. Tsaka hindi siya basta-basta nakikipag-usap sa hindi niya masyadong kilala.

“Si Mavy kasi, he’s more approachable kasi mabait at madaling kaibiganin. Ang worry ko sa batang ‘yan is masyadong lapitin ng mga babae. Si Mavy naman, he likes it kaya doon kami nagtatalo minsan.

“Hindi ko gusto na may pino-post siya na niyayakap niya ang girl. Okey lang ‘yung akbay na kaibigan, pero iba na ‘yung naka-wrap ang arms mo sa babae, eh.

“I know that he’s 18 pero mas kailangan mag-ingat siya. Siyempre, alam ko ang ganyang edad kasi dumaan ako diyan at dahil lalake, maraming puwedeng mangyari lalo na kapag may mga babae sa paligid,” diin pa ni Zoren.

Dahil sa pagiging strict niya sa kambal, nababansagan tuloy siyang stage father. 

“Ang kinakatakot namin ni Mina ay baka maagang matuto ng kung anu-ano ‘yan si Mavy at malaman na lang namin magiging lolo at lola na kami ng mommy niya.

“I want to trust my son kapag sinabi niya na he knows what’s right and wrong and that he’s being careful. Pero hindi pa rin mawala sa amin ni Mina, lalo na sa akin, na mag-alala kasi ang guwapo ni Mavy, eh. Maraming maghahabol diyan! Kanino ba kasi nagmana?” sabay tawa ng malakas ni Zoren.

Sa Sahaya ay gaganap siyang ama ni Bianca Umali. Nabuntis nito ang isang Badjaw maiden na ginagampanan ni Mylene Dizon. Pero mawawalay siya sa kanyang mag-ina noong bumalik siya ng Maynila.

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with