James mas pino-promote pa ang pelikula ni Nadine kesa sa kanilang concert
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 16, 2019 - 12:00am

Mukha nga yatang si James Reid ang pinakamalakas na mag-endorse ng pelikulang Ulan ng kanyang girlfriend na si Nadine Lustre. Ni wala nga siyang nasasabi tungkol sa kanyang concert na The Cr3w, pero iyong pelikula ng kanyang GF ay todo puri siya.

 

Sa kanya namang ka-live in na si Nadine, ang sinasabi niya ay “I’m proud of this girl”. Naniniwala naman ka­ming maganda ang pelikula dahil rated A ng CEB (Cinema Evaluation Board).

Mukha ngang nagtutulungan naman sila sa kanilang career, pumayag din naman si Nadine na maging guest sa The Cr3w concert nina James, Billy Crawford at Sam Concepcion bilang suporta sa kanyang boyfriend.

Iyan ang magkarelasyon, nagtutulungan. Talagang maliwanag na gusto nilang iangat ang isa’t isa. May mga bintang kasi na ang kanilang relasyon ang siyang nakapipigil sa lalong pagtaas ng kanilang popularidad, may nagsasabi ring simula nang mag-live in sila ay parang mas naging magulo ang kanilang working arrangements dahil ayaw nila nang hindi sila ang magkasama.

Ngayon, diyan sa project ni Nadine, si Carlo Aquino ang kasama, pero si James panay ang endorse. Kung iisipin mo, buti pa nga siya nasa premiere night noong pelikula. Iyong leading man na si Carlo Aquino ay hindi nga nakarating.

Ang mahalaga nagtutulungan sila at alam nila kung ano ang dapat kalagyan ng kanilang career. Kung nakakabuti ba o nakakasama sa kanilang career ang kanilang live in situation, panahon lang ang makapagsasabi niyan. Hindi natin mahuhusgahan iyan sa ngayon.

Kung mayroon mang improvements na dapat gawin sa kanilang personalidad, aba eh personal na rin nilang problema iyon. Hindi na dapat isisi sa kanilang partners.

Korean singers na nadawit sa eskandalo dapat tularan ng mga artistang Pinoy na may sex video

Ang Korean singer na si Seungri noong bandang Big Bang na nakapag-perform din dito sa Maynila, ay nagsabing magre-retire na siya sa showbusiness matapos na masangkot sa isang sex scandal. Naging magka-ugnay ang kaso nila ng actor na si Jong Joon Young, na sinasabing nakipag-deal din sa prostitutes na kinukunan niya ng video, kasama na nga roon ang video ni Seungri.

Ang dalawa ay kapwa nag-apologize sa publiko dahil sa iskandalong kanilang kinasangkutan, at nagsabing sila ay magre-retire na sa kanilang showbiz career. Sinabi pang si Seungri ay papasok na sa kanyang mandatory military training.

Kaya namin nabanggit ang mga Koreanong iyan, ang palagay kasi namin ay maganda silang halimbawa. Nakagawa nang wala sa ayos, umalis sa showbiz. Palagay namin ganoon dapat ang ginagawa maging ang mga artista nating nagkalat ang sex video sa internet. Tapos sasabihin, nangyari iyon kasi nabola lang sila.

Kasi iyang mga artista, may dinadalang responsibilidad. Kailangan silang maging role model. Hinahangaan sila ng publiko, ginagaya sila ng kanilang fans. Papaano kung sila mismo gumagawa ng sarili nilang sex video? Iyong mga sex video namang kumakalat, hindi mo masasabing pinilit sila eh. Maliwanag na sila ang gumawa, kung ano man ang dahilan wala na tayong pakialam.

Pero ang may mga sex video, gumawa na rin lang ng kahihiyan eh, dapat nga sigurong mag-retire na lang sila, Gayahin nila ang good example ng mga Koreano.

JAMES REID NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with