Maja at dyowa grabe ang PDA!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - March 16, 2019 - 12:00am

Ang post kahapon ni Maja Salvador ng picture nila ng boyfriend na si Rambo Nuñez na may caption na, “I will miss you @rambonunez see you after 2 weeks!”

 

Si Rambo ang nakarelasyon noon ni Maja na naka-reconcile niya lately. Marami ang kinikilig sa dalawa.

Sa bakasyon nga nila sa Amanpulo ay maraming celebrities na nagkomento sa mga picture na pinost nila sa social media. Maraming mga kinikilig sa sobrang ka-sweet-an nila.

In fairness, mabait si Rambo at noon pa ay maraming mga taga-showbiz na ang kakilala siya dahil sa kanyang nanay na events organizer at kilalang malapit sa ilang big stars.

Marami ngang mga taga-showbiz ang nagsasabing sana ay magkatuluyan na ang dalawa!

Samantala, kaya ganoon ang caption ni Maja sa picture nila ni Rambo ay dahil nasa Dubai, United Arab Emirates ngayon ang dalaga

May shoot siya sa Dubai ng isang project na hindi pa puwedeng i-announce.

Maganda ang project na ‘yon na bidang-bida si Maja at intended for OFWs.

Angelica hurt pa kay Carlo

Nang maging close uli sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino, kilig-kiligan din ang fans.

Pero hindi nga nagtagal ang pagiging close nila uli. Sa ngayon, ayaw na talaga ni Angelica na maging close sa ex-boyfriend.

Nag-dialogue na rin si Angelica na huwag na lang muna silang mag-work together ni Carlo.

Mukhang na-hurt si Angelica sa nangyari sa friendship nila ni Carlo. Mukhang na-hurt din siya sa mga pinagsasasabi ng ibang fans ni Carlo.

Samantala, simula sa Monday ay finale week na ng morning series ni Angelica sa ABS-CBN, ang Playhouse.

Yasmine at Alfred itinadhana

Noong Thursday ang 11th anniversary ng mag-asawang Representative Alfred at Yasmine (Espiritu) Vargas.

Sabi ni Alfred, “Anniversary ‘yon ng unang pagkikita namin sa isang show ko sa Laguna. Na-love at first sight ako!”

Ang kuwento naman ni Yasmine, first time raw niyang napanood sa Impostora series noon ng GMA-7 si Alfred ay sinabi na niya sa kanyang lola na nagbabantay sa kanya noon (nagbabakasyon lang siya that time from Milan, Italy) na ito ang lalaking pakakasalan niya.

Mukhang itinadhana talaga siya dahil niyaya siya ng isang kaibigan sa show sa Laguna kung saan isa sa performers si Alfred.

Ngayon nga ay happily married sina Alfred at Yasmine at may tatlo na silang anak, dalawang babae at lalaki ang bunso.

Jules at Assunta 15 years nang kasal

Noong Thursday naman ay 15th church wedding anniversary na nina Jules at Assunta (de Rossi) Ledesma.

Bago ‘yon, may civil wedding na rin sila at 16 years and six months na ‘yon.

Siyempre, hindi naman lihim ang kuwento na noong una ay maraming kuwento sa pagmamahalan nina Jules at Assunta, pero naipaglaban nila ‘yon at hanggang ngayon at masaya pa rin ang kanilang pagsasama.

Of course, hanggang ngayon ay hindi nawawalan ng pag-asa ang dalawa na magka-baby pa rin.

Pareho nga palang mahilig sa expensive cars sila Jules at Assunta at karamihan ng mga kotse nila ay his and her dahil tig-iisa sila at sila lang talaga ang nagmamaneho ng mga ito.

MAJA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with