Chokoleit ni-remind si Karla na dalawin siya!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 16, 2019 - 12:00am

Dinalaw ni Chokoleit sa panaginip ang kaibigang si Karla Estrada at tila nagpapahiwatig sa kanya na hindi pa siya dumadalaw sa burol.

 

“Kahapon ng madaling-araw, nagpakita siya sa akin sa panaginip,” kwento ni Karla sa Magandang Buhay kahapon, “nakaupo silang apat, lumingon siya. Siguro, sinasabi niya, ‘Momshie Karls, hindi ka pa pumupunta’. Pero naka-schedule talaga akong pumunta kahapon. Pero nakakatuwa, nagpakita siya sa akin sa panaginip.”

Kwento pa ni Karla, kaibigan daw niya si Chokoleit since 1993 at nagkikita sila sa mga comedy bar. Aniya, sa first trip nila ng anak na si Daniel Padilla sa US ay ang komedyante ang kasama nila.

“Nun’g first time naming makarating mag-ina, kaming dalawa ni Daniel Padilla which is 5 years ago, sa Amerika, siya ang kasama namin na nag-perform. Siya ang front act ni Daniel.

“So, talagang grabe ang kwentuhan namin na parang ‘di ba, dati day, ganito lang tayo, tapos ngayon, nandito na tayo sa Amerika,’ alam mo ‘yung mga ganu’n, di ba?” kwento pa ni Karla.

Nagbigay rin ng kanilang pag-alala kay Chokoleit ang iba dalawa pang hosts na sina Jolina Magda­ngal at Melai Cantiveros.

Bukod dito, kinanta rin ng tatlong hosts kasama sina Pokwang, K Brosas at Pooh ang favorite song ni Chokoleit na Kahit Maputi na ang Buhok Ko na siyang kinanta ng komedyante sa last performance nito sa Abra bago siya yumao.

Sunshine walang nagawa nang sipa-sipain ni Iza

Sobrang challenge para kay Sunshine Cruz na makasama sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Dia­na Zubiri and Karylle (the 4 original Sang’gres of Encantadia) sa pelikulang Mystified ng Iflix.

Si Sunshine ang kontrabida sa movie at nag-enjoy raw siya sa shooting dahil nga apat na magagaling na aktres ang kasama niya.

May mga fight scene din daw siya sa movie at nag-prepare siya for the role talaga.

“I do boxing, that’s part of my exercise routine, but this time around, it was hard kasi may mga sipa-sipang ganyan, first time kong ginagawa ‘yan at ang naka-fight scene ko rito, si Miss Iza Calzado. Ang galing. Sinipa-sipa niya ako sa paa. Sorry siya nang sorry sa akin. Masakit na pero nahihiya naman ako, di ba? Kasi ang galing niya,” ani Sunshine.

Aminado siyang nahirapan naman siya talaga.

Ang Mystified ay mapapanood exclusively on Iflix free and IflixVIP on March 29, 9pm. Ito ay mula sa direksyon ni Mark Reyes na siya ring director ng Encantadia.

CHOKOLEIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with