Bakasyon ng EB dabarkads sa Israel nahaluan ng tensiyon dahil sa pagbomba!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 16, 2019 - 12:00am

Bakasyon at walang kasamang trabaho ang pakay ng Eat Bulaga Dabarkads na nasa Holy Land, Israel ngayon. Nilinaw ito ng manager ni Maine Mendoza sa amin, si Rams David.

 

Pero kasama rin sa bakasyon sina Alden at Meng. Eh sa photos ng grupo sa Instagram, halos lahat ng kuha nila ay mula kay Ryan Agoncillo na pumapel na photographer ng biyahe.

Samantala as of this writing, ni-retweet ng isang fan account (OFCADMD_ISRAEL) na based sa Israel ang pagtunog ng malakas na alarma na may kasamang pagbomba doon.

Inilabas din nila ang tweet ng Israel News Feeds. “BREAKING: At least 2 rockets fired from Ganza towards Tel Aviv, explosions sounded, possible interceptions.”

Keep safe, EB Dabakads!

Kuwaresma ni Sharon patapos na!

Bibitaw na ang actor-politician na si Dan Fernandez bilang Mayor ng Santa Rosa City, Laguna. Babalik siya bilang legislator dahil ‘yon ang forte niya.

Kinumpirma sa amin ito ni Mayor Dan nang makita namin kasama ang manager niyang si Dondon Monteverde.

Malaking syudad ang Santa Rosa at si Dan ang top executive ng city. Siyempre, tutok siya sa lahat ng kailangan ng city lalo na’t progressive ang pinamamahalaan niya.

Kung hindi kami nagkakamali, una munang naging Board Member si Dan bago siya naging kongresista. Then nahalal bilang mayor.

Kapag na-elect muli bilang congressman, mas magiging maluwag ang schedules niya’t puwede pa siyang gumawa ng movie lalo na kapag break ang Congress.

Anyway, ibinalita naman ni Dondon na two days na lang ang movie ni Sharon Cuneta na Kuwaresma under his Reality Entertainment. Magsisimula na rin sila ng gagawin movie ni Jennylyn Mercado sa kanya.

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with