Gelli never tumaba!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 16, 2019 - 12:00am

Ang ganda-ganda ngayon ni Gelli de Belen. Sinabi ko nga sa kanya na puwede siyang mapagkamalan na girlfriend ng mga anak niya kapag magkakasama sila na namamasyal.

 

Bagets looking forever si Gelli na never ko nakita na tumaba. Kung maganda siya noon, mas maganda ngayon si Gelli na may bagong pelikula, ang Pansamantagal ng Reality Entertainment.

Si Bayani Agbayani ang leading man ni Gelli sa Pansamantagal. Siyempre, excited at inspired si Bayani nang gawin nila ni Gelli ang pelikula dahil matagal-tagal na rin mula nang magbida siya.

Mabuti naman at busy si Gelli dahil nami-miss niya ang dalawang anak nila ni Ariel Rivera na parehong nag-aaral sa Canada.

Teka, bakit nga ba hindi na kumakanta si Ariel eh isa siya sa mga favorite singer ko dahil ang ganda ng boses niya?

Naalala ko nga si Ariel kapag pinakikinggan ko ang CD album si Mark Bautista dahil parang pareho ang timbre ng boses nila. Puwede nga na siya ang pinakanta ng theme song ng Pansamantagal na showing sa mga sinehan sa March 20, 2019.

JV sinasamantala ang oras sa mga anak

Julio Jose at Julio Emilio pala ang mga pangalan ng mga anak ni Senator JV Ejercito.

Dalawa ang anak na lalaki ni JV na gustong-gusto nito na inihahatid sa school, angkas ng motorsiklo niya.

Ang paghahahatid sa school sa dalawang bagets ang pinaka-bonding time ng mag-aama dahil sa rami ng trabaho ni JV.

Halos wala nang natitira na oras si JV para sa boys niya at natatakot siya na dumating ang araw na ayaw ng magpayakap ang mga bata sa kanila kaya ngayon nila sinasamantala ang pagyakap sa mga anak.

May natutunan ako kay JV, ang maging open sa feelings mo, maging physical, like kahit mga lalaki ang mga anak, puwedeng i-kiss at i-hug.

Mas touching tingnan ang mga lalaki na open sa feelings nila. Lucky sina Julio Emilio at Julio Jose sa kanilang Daddy JV.

Lorna mysterious pa ang gagawin sa AP!

Napapanood na si Lorna Tolentino sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang Lily.

Misteryosa ang karakter ni Lily kaya siguradong maiintriga ang televiewers.

May koneksyon kay President Lucas Cabrera si Lily. Si Lucas ang karakter na ginagampanan ni Edu.

Kanya-kanya ng hula ang viewers ng Ang Probinsyano sa kaugnayan ni Lily kay Lucas. May mga haka-haka na businesswoman si Lily na involved sa PDAF scam dahil sa kanyang dialogue na gumagawa siya ng masama para makatulong sa kapwa.

Ipinakita sa Thursday night episode ng Ang Probinsyano ang pag-rescue ng grupo ni Cardo kay Lily na balak patayin ng mga pulis na ginagampanan nina Rap Fernandez at Cholo Barretto.

Nanghinayang ako dahil pinatay na ang karakter ni Rap sa Ang Probinsyano kaya isa lang ang eksena nila ni LT.

Alam naman ng lahat na in real life, mag-ina sina Rap at LT kaya nakakatuwa na panoorin sila na magkasama sa isang show kahit kontrabida ang role ng panganay nina LT at Rudy Fernandez.

GELLI DE BELEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with