^

Pang Movies

Hulihin na yan... sikat na Celebrity consistent ang pagkakadawit sa bentahan ng ecstasy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagulat kami doon sa naging interview kay Director General Aaron Aquino, kung saan sinabi niya na totoong may dalawang celebrities na ang pangalan ay nakita nila sa cellphone ng napatay na drug dealer na si Steve Pasion sa Sta.Cruz, Maynila noong isang araw.

 

Sinabi niyang “iyong isa sikat, nakikita nga sa telebisyon araw-araw”. Sinabi pa niyang ang sikat na celebrity na napapanood sa telebisyon araw-araw, batay doon sa nakita nilang palitan ng text sa nakuhang cellphone ng drug dealer ay umoorder ng 200 piraso ng ecstasy. Inamin din naman ng director-general ng PDEA na ang pangalan ng nasabing celebrity ay mga tatlong ulit na nilang nai-uugnay sa magkakaibang pushers na nahuhuli nila. Ang karaniwang binibili daw noon ay ecstasy.

Para makabili ka ng 200 piraso ng ecstasy, na sinasabing ang market value ay nasa mahigit na isang libo ang isa, malaking celebrity nga iyan. Ang suspetsa nila, hindi naman siya drug dealer kung hindi maaaring ibinibigay niya sa mga kaibigan niya, o ginagamit sa kanyang parties, o orgies.

Matagal na naming naririnig ang mga tsismis na iyan tungkol sa celebrity, pero wala ka namang ebidensiya na may ginagawa nga siyang illegal. Ngayon lang lumabas ang exchange of text nila ng drug dealer na si Steve Pasion. Isa iyan sa dahilan kung bakit mas mahigpit ang pagmamanman sa ilang high end bars sa isang lungsod sa Metro Manila. Ang bars na iyan ang sinasabing pugad ng gumagamit ng ecstasy, dahil up scale rin ang crowd diyan. Madalas din diyan ang nasabing celebrity. Tambayan din iyan ng models, basketball players at iba pang mga kilalang tao.

Iyong isang celebrity ay hindi masyadong napag-usapan pero may ibang sources kami na nagsabing sikat din iyon, at lalaki iyon. Siya rin ‘yung minsan ay nasalubong naming parang zombie na naglalakad sa isang up scale na mall. Ecstasy pala talaga ang tinitira niya.

Ang warning lang ng PDEA, ang shabu ang pinaka-malaking problema sa droga, pero wala pang nabalitang namatay dahil sa overdose ng shabu. Iyang ecstasy, number three lang daw iyan dahil mahal nga at mga may kaya lamang ang nakabibili, pero marami na ang namatay dahil sa overdose.

Mga artistang nawalan ng tubig kanya-kanyang check in sa hotel

“Ang lakas maka-4th. world,” ganyan ang na­ging comment ng kumedyanteng si AiAi delas Alas tungkol sa lalo yatang lumulubhang kapalpakan sa serbisyo ng tubig lalo na sa Metro Manila.

Talaga namang mai-imagine mo para sa isang artista na kagaya ni AiAi, hindi puwedeng lumabas ng bahay nang hindi man lang naliligo, at iyong isang linggong wala kang supply ng tubig ay malaking problema na. Maraming mga artista, lalo na iyong may daily shows na mas malaki ang gastos dahil kailangan silang mag-check in sa mga hotel para makapaligo at makapag-ayos nang mahusay.

Marami ang sumisisi sa kawalan ng paghahanda ng mga kumpanyang may hawak ng serbisyo. Marami rin ang nagagalit sa mga dating leader ng gobyerno na nagbenta ng serbisyong iyan sa pribadong sektor. At please, huwag ninyong sisisihin ang ulan.

Pero magsisihan man tayo eh ano pa nga ba ang magagawa natin?

Isipin na lang natin, baka bahagi na iyan ng ating penitensiya lalo na at panahon na naman ng kuwaresma. Hindi natin maaaring daanin sa init ng ulo ang lahat. Wala rin namang mangyayari. Iinit lang ang ulo natin na delikado sa mga may sakit sa puso at high blood pressure.

Hello! Huwag ninyong sundan si Chokoleit.

vuukle comment

ECTASSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with