^

Pang Movies

Hello fans… Kuya Wes ni Ogie at Piolo mahina sa takilya!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Hello fans� Kuya Wes ni Ogie at Piolo mahina sa takilya!

Hindi puwedeng maikaila na mahina sa takilya ang Kuya Wes na nagbukas sa mga sinehan noong Wednesday.

 

Pero in fairness sa mga naniniwala sa bida ng pelikula na si Ogie Alcasid, panay ang promote nila na suportahan ang pelikula dahil maganda naman talaga ang “commerical cut” nito.

Sana makabawi ngayong weekend ang Kuya Wes.

Sana rin ay huwag itong basta i-pull-out sa mga sinehan.

Graded A ng CEB (Cinema Evaluation Board) ang Kuya Wes.

Sana sipagin ang mga fan ni Ogie, pati ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid na panoorin ang pelikula. Sana pati mga fan ni Piolo Pascual (co-producer ng Kuya Wes) ay suportahan ang pelikulang ito!

First birthday ng bunso nina Richard at Sarah, walang ganap

Sa March 21 na ang first birthday ng bunso nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, si Baby Kai pero walang big party para roon.

Sabi ni Richard, pupunta ang buong pamilya niya sa bahay nila ni Sarah para mag-celebrate pero malamang din daw na lumabas sila.

Hindi muna magkakaroon ng big celebration si Baby Kai dahil isasabay na lang daw ‘yon sa binyag niya sa June.

Maraming mga ninong at ninang na gusto sina Richard at Sarah na busy pa ngayon at gusto nila ay maka-attend ang mga ito, kaya nagdesisyon silang sa June na lang ang binyag at birthday party ng kanilang bunso.

Excited naman si Kuya Zion na magbi-birthday na ang kanyang baby brother.

Super maalaga si Zion sa kapatid at good kuya nga raw siya.

Like Zion nga pala, enjoy na enjoy si Baby Kai kapag isinasama siya nina Richard at Sarah sa beach.

Solid fans ni Alden bibiyahe sa Hong Kong 

Nagbabalak ang solid fans ni Alden Ri­chards na pumunta ng Hong Kong by April para dalawin ang shooting ng Star Cinema movie ng binata kung saan ay kapareha niya for the first time si Kathryn Bernardo.

Masaya ang solid fans ni Alden na kinuha siya ng Star Cinema para ipareha kay Kathryn. Tanggap na tanggap ng solid fans ni Alden ang tambalan nila ni Kathryn.

Mukhang tanggap na tanggap din ‘yon ng mga fan ng dalaga, pati na rin ng karamihan sa KathNiel fans nila ng boyfriend na si Daniel Padilla.

Marami rin namang AlDub fans ang tanggap ang project na ‘yon.

Pero siyempre may AlDub fans din na ayaw sumuporta kung paanong ayaw rin ng ibang KathNiel fans ‘yon.

Pero ganoon naman ang buhay, palagi namang may komokontra!

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with