Avril Lavigne ayaw na uling ma-overwork
Avril Lavigne
Avril Lavigne ayaw na uling ma-overwork
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - March 14, 2019 - 12:00am

Pagkatapos ng matinding health scare, nagbabalik sa music scene si Avril Lavigne.

Last year ay inakala ng Complicated singer na ikamamatay na niya ang sakit niyang Lyme Disease. Hinanda na raw niya ang kanyang sarili sa puwedeng mangyari sa kanya.

Pero dahil sa maraming sumuporta sa kanya, nilabanan ni Avril ang kanyang sakit at pinagpatuloy niya ang magsulat ng bagong songs para sa kanyang bagong album.

“One day I just grabbed my phone, opened my Notes app and began to document the beginning of my comeback single Head Above Water.

“I wasn’t even thinking about music. It just happened. Music really lifted me up and made me feel better.

“I was able to take a hard time in my life and make the best out of a circumstance that was I was going through...At first I didn’t know I was making an album—I just naturally turned to songwriting in a time of healing.

“It’s up and down. I’m doing my best to maintain a healthy lifestyle — eating healthy, sleeping well, and working out.”

Kasalukuyang nasa bagong relasyon si Avril. She is dating Phillip Sarofim, son of Texas billionaire Fayez Sarofin, since early 2018. Huli silang nakitang magkasama noong mag-guest si Avril sa The Tonight Show With Jimmy Fallon.

“My approach now is one day at a time. Don’t overwork myself—just ease back into it. I’m in a good place,” ngiti pa ni Avril Lavigne.

John mas gustong mag-focus sa ginagawa

Hindi raw magagawang harangin ng aktor na si John Estrada ang paggawa ni Mylene Dizon ng teleserye sa GMA-7.  

Kailan lang ay nagkaroon ng media launch ang GMA primetime teleserye na Sahaya kung saan kasama sa cast si Mylene bilang ina ni Bianca Umali.

Sa naging panayam kay John, nalaman daw niya sa ibang tao na nasa bakuran na ng GMA-7 si Mylene.“Hindi ako gano’ng klaseng tao. Mga artista kami, ito ang kabuhayaan namin, eh. Ang umarte sa TV at pelikula.

“May mga anak ‘yung tao na kailangan niyang buhayin, ‘di ba? Tulad ko, may mga umaasa sa atin. Kaya kailangan natin ng trabaho,” diin pa ni John.

Nagsimula ang hindi magandang pangyayari sa pagitan nila John at Mylene noong nasa teleserye sila na The Good Son sa ABS-CBN 2. Noong patayin ang character ni John ay lumipat to sa GMA-7 at nagawa na niya ang Victor Magtanggol at ngayon ay ang Kara Mia.

May kanya-kanya naman daw silang trabaho ni Mylene sa Kapuso network kaya malabong magkasama sila sa isang show sa ngayon.“Ang importante ay may trabaho kaming pareho. Pabayaan n’yo kaming mag-focus sa trabaho namin. Maging positive lang tayo parati,” ngiti pa ni John na nasa title role ng bio-pic na The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story.

AVRIL LAVIGNE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with