^

Pang Movies

Coleen at Nadine hahataw sa concert nina Billy at James

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Coleen at Nadine hahataw sa concert nina Billy at James

Napakaganda ng kantang Filipina Girl nina Billy Crawford at James Reid na collaboration nila kay Marcus Davis at ini-release ng Viva Records. Patunay kasi ito na ang dalagang Filipina ang pinakamaganda sa buong mundo kahit saan man mapunta ang mga ito.

Ang cute ng music video kung saan kasama nila ang kanilang mahal sa buhay, ang asawa ni Billy na si Coleen Garcia at ang girlfriend ni James na si Nadine Lustre.

Samantala, masayang-masaya ang fans ni Billy na hindi siya lumubog sa kabila ng ilang buwan nitong pamamahinga sa showbiz kasama si Coleen. Maganda pa rin ang boses nito at hataw pa rin sa moves.

Sa ngayon ay nagsisilbi siyang hurado sa show ng ABS-CBN na World Dance Philippines kasama sina Maja Salvador at Gary Valenciano.

Si James  naman ay kasalukuyang nakasuporta lang kay Nadine sa pelikula nitong Ulan katambal si Carlo Aquino. Magiging isa rin siya sa mga hurado sa malapit nang ipalabas na Idol Philippines kasama sina Regine Velasquez, Moira dela Torre at Vice Ganda.

Sa darating na April 5, 2019, sa Araneta Coliseum, gaganapin ang pinakahihintay ng lahat na concert nina Billy, James at Sam Concepcion, ang The Cr3w. Bali-balitang may pasabog daw sina Nadine at Coleen kasama si Yassi Pressman na napili ni Sam dahil ito lang ang walang girlfriend sa tatlo.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with