^

Pang Movies

Mylene at John ayaw na uling magkatrabaho

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mylene at John ayaw na uling magkatrabaho
Mylene Dizon at John Estrada

Understandable na ayaw nang makatrabaho nina Mylene Dizon at John Estrada ang isa’t isa dahil malalim ang hidwaan nila nang magkasama sila noon sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Pareho nang may show sa GMA 7 ang dalawa kaya marami ang curious kung willing ba sila na magkasama uli sa isang show.

Siyempre, hindi positive ang sagot ni Mylene nang tanungin siya sa presscon ng Sahaya noong Lunes.

“I don’t think so,” ang malinaw na sagot ni Mylene sa tanong sa kanya kaya malabo talaga na bumalik pa sa dati ang working relationship nila ni John.

‘The deeper your love, the greater you hate’

Nakuha ko sa Koreanovela na Good Wife ang kasabihan na “the deeper your love, the greater you hate.”

Ang sabi ng wife sa Koreanovela na napanood ko, kahit daw magkaayos na kayo, ang scar ng paghihiwalay n’yo will never be erased or gone.

Siguro nga hindi lang sa mag-asawa nangyayari ito, kahit sa magkaibigan. ‘Yung close na close kayo, tiwalang-tiwala ka tapos mag-aaway kayo, parang imposible nang mabalik sa dati ang friendship n’yo.

Puwede nga siguro na you forgive but always you remember kung ano ang nangyari. Kahit nga siguro may gift of detachment ka, parang hindi mo completely malilimutan ang pain na ibinigay sa iyo ng pag-aaway n’yo, lalo pa at marami ang hurting words na nasabi, lalo pang nagpapalalim ng sugat sa puso mo.

Sabi nga sa 48 Laws of Power, kapag naging kaaway mo na, huwag mo na pagkatiwalaan pa dahil imposible nang makalimutan ang mga salita na nasabi mo.

Unconditional love deserves trust and respect. So how can you love a person na kulang nito?

And how can you be with a person who hurt you? So the greater you love the deeper you hate, kasi nga ang pagmamahal mo dapat pantayan din ng pagmamahal.

Maine at Maricel hinihintay kung magagawan ng paraan

Sana nga, makagawa ng pa­raan si Papa Tony Tuviera para matuloy ang unang movie team up nina Maricel Soriano at Maine Mendoza.

Si Papa Tony ang manager ni Maine na sobrang hectic ang schedule kaya hindi makapag-commit sa Does Your Mother Know?, ang for Mother’s Day movie na gagawin ni Maricel para sa Regal Entertainment Inc.

Sina Eric Quizon at ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ang may idea na pagsamahin sa isang pelikula sina Maine at Maricel.

Nakikita kasi ng tatlo na bagay na bagay si Maine na gumanap bilang anak ni Maricel sa pelikula dahil pareho sila na may talent sa pagpapatawa.

Isa lang ang problema, ang busy schedule ni Maine dahil may hinahabol na deadline si Eric.

Si Papa Tony ang susi para matuloy ang pagsasama nina Maricel at Maine dahil kapag pumayag siya, wala nang magiging conflict. Aayusin na lang ang schedule ni Maine para makapag-shooting ito.

vuukle comment

JOHN ESTRADA

MYLENE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with