^

Pang Movies

James Reid nilantad na ang pagli-live in nila ni Nadine Lustre!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
James Reid nilantad na ang pagli-live in nila ni Nadine Lustre!
Nadine Lustre at James Reid

Kinaiinggitan si Nadine Lustre ng mga kababaihan dahil sa sinabi ni James Reid na “We live together.”

“How to be you po?” ang tanong ng mga inggitera na hindi matanggap na taken na ni Nadine si James na pantasya ng mga kababaihan.

Lalong kinilig ang fans nang ikuwento ni James na totally naked sila ni Nadine nang magbabad sila sa bath tub ng The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas.

Naglaro ang imahinasyon ng mga nakapanood sa revelation ni James sa TV at ‘yung iba naman, naghanap agad sa Internet ng litrato ng kinaiinggitan na bathtub dahil na-feel nito ang mga hubad na katawan ng mag-dyowa.

I’m sure, marami na naman ang may request sa staff ng The Farm na i-check in sila sa villa na tinuluyan nina James at Nadine dahil ganito ang nangyari sa villa na tinirhan nina Troy Montero at Aubrey Miles nang magbakasyon ang dalawa sa nasabing health and wellness resort.

Alam na alam ko ang bawat sulok ng villa na tinuluyan nina Aubrey at Troy dahil dito ako natulog sa overnight stay ko sa The Farm noong June 2018.

True na magaganda ang villa sa The Farm pero naging kontrobersyal ang kuwarto na ginamit nina Troy at Aubrey dahil sa kanilang nude pictorial sa balcony at swimming pool na nag-viral.

Hindi sinasadya na nagkaroon ng libreng promo at publicity ang The Farm dahil sa kuwento ni James tungkol sa bathtub scene nila ni Nadine nang mag-celebrate sila noon February 2019 ng 3rd anniversary ng kanilang relasyon.

Alfred gustong mag-produce ng mainstream movie

Proud na proud si Alfred Vargas sa kanyang bagong indie movie na Kaputol ang pamagat.

Malapit nang matapos ang post production sa pelikula kaya excited na si Alfred na mabasa ang unang movie team up nila ni Cherie Gil.

Si Mac Alejandre ang direktor ng Kaputol at ang kanyang classmate na si Lav Diaz ang director of photography kaya may idea na tayo kung gaano kabongga ang pelikula na balak nila na isali sa mga international film festival.

Naging close sina Alfred at Cherie sa shooting ng Kaputol. Bilib na bilib si Alfred sa intelligence ni Cherie at sa husay nito bilang aktres.

Kung si Alfred ang tatanungin, gusto niya na makatrabaho uli si Cherie dahil sa kanyang mga natutunan sa ilang araw na pagsasama nila sa shooting ng Kaputol.

Medyo kontrobersyal ang kuwento ng pelikula at siyempre.

Bukod sa Kaputol, type ni Alfred na mag-produce ng mainstream movie pero mangyayari lang ito kapag natapos na ang midterm elections sa May 2019.

Hindi lamang sarili ang ikinakampanya ni Alfred dahil tumutulong din siya sa campaign ng kanyang kapatid na si Patrick Michael aka PM Vargas at ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Siyempre, hindi puwedeng pabayaan ni Alfred si Vice Mayor Joy dahil bukod sa magkapartido sila, naniniwala si Alfred na lalong uunlad ang Quezon City kapag si Joy ang nahalal na alkalde.

vuukle comment

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with