JaDine
James inaasahan ang suporta sa pelikula ni Nadine
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - March 11, 2019 - 12:00am

Kahit hindi kasama si James Reid sa pelikulang Ulan na pinagbibidahan ni Nadine Lustre opposite Carlo Aquino mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor, tiyak na susuportahan ni James ang kanyang reel and real life-girlfriend sa premiere night ng pelikula na gaganapin sa Cinema 7 ng Trinoma ngayong gabi ng Lunes, March 11.

Ang pelikulang Ulan kung saan din tampok sina Marco Gumabao at Aj Muhlach ay palabas na sa mga sinehan nationwide simula ngayong Miyerkules, March 13.

Chocoleit nagsimula sa pag-e-entertain ng customers ni Mader Ricky

Hindi pa man halos nakakabawi ang industriya sa sunud-sunod na pagpanaw sa taong ito ng komedyanteng si Bentong (Domingo Vusotros) na sumakabilang-buhay nung nakaraang February 9, ng veteran singer-actress-producer na si Armida Siguion-Reyna nung February 11, ng indie actor na si Kristofer King (Christopher Reyes) nung February 23, ng Philippine Queen of Jazz na si Annie Brazil nung March 5, heto’t biglang bumalaga ang balitang binawian na rin ng buhay ang singer-comedian-actor-host na si Chokoleit (Jonathan Aguilar Garcia in real life) sa edad na 46 dahil sa atake sa puso.

Unknown to many, si Chokoleit ay na-discover ng beauty czar, TV host at philanthropist na si Mader Ricky Reyes nang magkaroon ng Hair Trends tour ang FilHair sa Davao nung early 2000. Natuwa si Mader Ricky kay Chokoleit kaya dinala niya ito sa Maynila para mag-entertain sa mga customer ng kanyang Ricky Reyes Hair Salon (now Gandang Ricky Reyes) pero umabot lamang ito ng six months dahil nag-concentrate na si Chokoleit sa kanyang pagiging stand-up act.

Pinakamalaking break ni Chokoleit nang siya’y mapasama sa fantasy TV series na Marina in 2005 na pinagbidahan ni Claudine Barretto kasunod ang Kampanerang Kuba ni Anne Curtis in 2006. 

Huling napanood si Chokoleit sa afternoon TV series na Asintado last year at nakapag-guest din siya sa iba’t ibang programa ng Kapamilya Network maging ang Dear Uge ni Eugene Domingo sa Kapuso Network.

Mula sa amin dito sa Pang-Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ni Chokoleit.

JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with