^

Pang Movies

Pops inakalang fake news lang ang pagpanaw ni Chokoleit!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Masaya si Pops Fernandez nang sabihin sa kanya ng comedian na si Chokoleit na ok ang buhay nito dahil nakaipon na.

Hindi rin napansin ni Pops na may health crisis si Chokoleit nang magkatsikahan sila sa backstage ng out of town variety show na pinuntahan nila sa Bangued, Abra, kaya akala niya noong una ay fake news ang ibinalita sa kanya na patay na ang comedian.

Bago raw siya nag-perform ay narinig niyang isinugod sa hospital si Chokoleit dahil hindi ito makahinga at pagkatapos niyang kumanta ay saka niya narinig na patay na ito.

Ang tagal na raw na hindi niya nakita si Chokoleit at nang magkita’t magkatsikahan nga raw sila sa out of town variety show na ‘yon ang huling pagkikita’t pagtsitsikahan na pala nila.

Habang bumibiyahe kahapon pabalik ng Maynila (land travel lang sila) ay halos hindi nakatulog si Pops dahil sa lungkot sa pagpanaw ni Chokoleit.

Tiyak mami-miss...

Sobrang affected si Pokwang sa pagkamatay ni Chokoleit.

Sobrang close sila sa isa’t isa.

Isa si Chokoleit sa mga “ninang” ng bunso ni Pokwang na si Malia O’Brian.

Maraming mga ka-dramahan sina Pokwang at Chokoleit sa social media na tiyak na mami-miss ng kanilang followers.

Ogie malaki ang pasasalamat kay Piolo

Marami na ang nag-aabang sa sitcom na gagawin ng mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid sa ABS-CBN.

Mukhang hindi pa magsisimula kaagad ang sitcom na ‘yon dahil may Home Sweetie Home pa rin si Ogie.

Samantala, isa si Regine sa inaasahang maraming mga celebrity na darating sa celebrity screening ng Kuya Wes bukas sa Trinoma.

Malamang daw na more than 50 celebrities ang darating para sa “commercial cut” celebrity screening ng Kuya Wes.

Kailangang magkaroon ng “commercial cut” ang Kuya Wes movie nina Ogie at Ina Raymundo para mas magustuhan ng viewers.

Sa rami ng mga nagpo-promote ng Kuya Wes sa social media, inaasahang kikita sa takilya ang pelikulang ito na bukod kay Ogie ay producer din si Piolo Pascual.

Malaki nga ang pasasalamat ni Ogie kay Piolo dahil pumayag ito na i-co-produce ang pelikula, kaya natuloy ito.

Naglabas din ng pera si Ogie para sa Kuya Wes kaya co-produ­cer din siya.

Ara at Sam ninong at ninang ng pangalawang anak ni Say

Nanganak na last week ang Pinoy Big Brother season one alumna na si Say Alonzo.

Austin ang pangalang napili ni Say sa second baby boy nila ng mister na si Ryan Tordesillas.

Isa si Ara Mina sa mga barkada ni Say, kaya baka isa ang aktres sa mga kuning ninang para kay Austin.

Ang BFF ni Say mula sa PBB na si Sam Milby ay ninong na ng panganay niyang si Asher.

vuukle comment

POPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with