^

Pang Movies

Pokwang pinakaapektado video ni Chokoleit bago bawian ng buhay, nag-viral!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pokwang pinakaapektado video ni Chokoleit bago bawian ng buhay, nag-viral!
Chokoleit

Death comes like a thief of the night at nangyari ito sa Science of the Mind Guru na si George Sison at sa comedian na si Chokoleit na parehong sumakabilang-buhay noong Sabado, March 9, 2019.

Marami ang nabigla sa balita tungkol sa pagpanaw ni Chokoleit sa edad na 46 dahil may video pa ng last performance niya sa isang festival sa Abra.

Viral na ang video ni Chokoleit na obvious na may nararamdaman habang kumakanta at nagpapatawa pero the show must go on para sa kanya.

Hinahangaan ang professionalism na ipinakita ni Chokoleit sa huling sandali ng kanyang buhay na nasaksihan ng mga kapwa niya artista na shocked na shocked sa nangyari.

Hingal na hingal na siya sa kanyang unang song number at lalong nahirapan siya sa paghinga nang akyatin niya ang mataas na hagdan para batiin ang ibang mga nanonood na malayo sa stage.

Pinagpawisan si Chokoleit na maraming beses na uminom ng tubig at nag-comment na hinihi­ngal na siya and yet, ipinagpatuloy pa rin niya ang pagpapasaya sa mga tao.

Nang hindi na makayanan ang nararamdaman na hirap, tinapos ni Chokoleit ang kanyang performance pero nagawa pa niya na pasalamatan ang audience.

May mga nagtataka dahil parang hindi napansin ng manonood na namumutla at hingal na hingal na ang komedyante.

I’m sure, marami ang nakapuna sa hitsura ni Chokoleit pero puwedeng inisip nila na naiinitan lang ang komed­yante at napagod ito sa paglalakad sa malawak na stage.

Or alam ni Chokoleit na nahihirapan na siya pero pinairal niya ang pagiging entertainer. Imposible rin na mag-back out pa siya dahil nasa venue na sila ng kanyang mga kasama.

Siguro nga, oras na talaga ni Chokoleit na ipinagluluksa nang husto ng kanyang mga kapwa artista at komed­yante.

As of presstime, paluwas na ng Maynila mula sa Abra ang mga labi ni Chokoleit.

Contract star si Cho­koleit ng Star Magic.

Naglabas ng official statement si Abra Governor Joy Bernos tungkol sa nangyari kay Chokoleit matapos na mag-perform nito sa Abra Kawayan Festival noong Sabado nang gabi.

“Hats off to your great performance, friendship and love extended to the whole people of Abra. Again, we extend our prayers, thanks and love to our dear friend Cho­koleit,” ang statement ng gobernadora na kabilang sa mga nakapanood sa last performance ng ko­med­yante na nasawi dahil sa heart attack.

Sad na sad ang mga kaibigan ni Chokoleit dahil sa biglang pagpanaw nito.

Marami pala ang mga aso na inaalagaan ni Chokoleit na naghihintay sa kanyang pag-uwi. Matatalas ang pakiramdam ng mga aso kaya sure ako na alam na nila ang nangyari sa kanilang amo.

Isa si Pokwang sa mga deeply affected sa pagkamatay ni Chokoleit dahil BFF sila. Inaanak ni Chokoleit sa binyag ang bunso ni Poq“I love you at sobrang nagpapasalamat ako na naging kaibigan at pamilya na rin kita kasi ninang ka ni Malia, pahinga na friend I love you!,” ang mensahe ng pamamaalam ni Pokwang sa kanyang BFF.

Related video:

vuukle comment

CHOKOLEIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with