^

Pang Movies

Zia naka-save sa sariling bank account ang lahat ng kinikita!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Zia naka-save sa sariling bank account ang lahat ng kinikita!

Pare-pareho nang celebrity endorsers ang mag-asawang Dingdong Dantes, Marian Rivera at ang kanilang three-year-old daughter na si Zia. There were times na magkakasama silang tatlo endorsing a product, meron sina Marian at Zia at may mga solo endorsement din sila.

 

Last Friday (March 8) ng hapon ay pormal na ipinakilala si Dingdong bilang signature brand ambassador ng Persian Avenue na ang main product ay ang Beep Wrap at Chicken Pesto Wrap. Ang pagpapakilala at contract signing ay ginanap sa Event Hall ng SM North EDSA-Annex na dinaluhan ng entertainment media.

 

Ayon sa magkapatid na Arjay at Paolo Lapid ng Persian Avenue, si Dingdong umano ang kanilang one and only choice na maging brand ambassador ng kanilang produkto dahil sa magandang image umano nito na katumbas ng quality ng Persian Avenue.

Samantala, sinabi ni Dingdong na any day within this month ay lalabas na ang kanilang second baby ni Marian pero wala pa umano silang specific name para rito although may choices na umano sila.

Kung excited ang mag-asawang Dingdong at Marian sa paglabas ng kanilang pangalawang baby, mas excited umano ang kanilang panganay na si Zia dahil magiging ate na raw siya.

Lahat ng kinikita ni Zia sa kanyang product endorsements ay naka-save sa sarili nitong account na maa-access lamang niya pagdating niya sa tamang edad.

Ogie pasimple lang ang pagiging chickboy noon!

Masayang-masaya na humarap sina Ogie Alcasid at Ina Raymundo sa i­lang entertainment media na may kinalaman sa kanilang pinagtatambalang pelikula, ang Kuya Wes na mapapanood in commercial theaters simula ngayong March 13.

Sa intimate presscon ng Kuya Wes, nagkabukingan na nanligaw pala si Ogie noon kay Ina and that was 25 years ago.

Unknown to many, simple lamang ang pagiging chickboy noon ng songwriter at hitmaker na si Ogie. May non-showbiz girlfriend noon si Ogie na nagngangalang Mia nang maging girlfriend and eventually maging misis niya ang dating Miss Universe candidate from Australia na si Michelle van Eimeren na kanyang pinakasalan in 1996. Ang dating mag-asawa ay nagkaroon ng dalawang anak, sina Leila at Sarah Alcasid.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with