^

Pang Movies

Myrtle madalas mawalan ng lead role

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Myrtle madalas mawalan ng lead role

Muntik na palang mawala kay Myrtle Sarrosa ang pelikulang Papa Pogi kung saan ay gumaganap siya bilang love interest ng bidang si Teddy Corpuz.

 

Ayon kay Myrtle sa presscon ng movie, noong una pa man daw ay alam niyang may ibang aktres na kinukuha para sa leading lady role.

 

“Si ate Roselle (Monteverde, producer of Regal Films) na ang nagsabi na ‘ba’t hindi na lang si Myrtle?’ na ipasok dito, tapos kasabay kasi na sinu-shoot itong Papa Pogi was during the time na may Wonder Bra, and supposedly, magkasunod ‘yung Wonder Bra and Papa Pogi last year,” kwento ni Myrtle.

“So, dapat tinanggal na ako sa film, and then, siguro rin through God, it was magic and dahil din sa Regal, ibinalik sa akin ang role na ito,” sey pa niya.

Ilang weeks din daw ang lumipas bago nabalik sa kanya ang role at talagang naghanap daw ang produksyon ng ibang artista muna.

“Pero blessing din ni God na ibinalik sa akin ito,” seryoso niyang wika.

Medyo naging emosyonal nga ang aktres nang ikwento niyang madalas daw talagang mangyari sa kanya na mawalan ng lead role.

Ang unang beses nga ay ang pangako sa kanya ng yumaong si direk Mario delos Reyes na pelikula pero dahil pumanaw na ito ay hindi na natuloy.

“Tapos, nag-aantay din ako na sana nga, may duma­ting. So, grateful din ako sa Regal na even after direk Mario passed away, parang binigyan pa nila ako ng role, so thankful ako kay ate Roselle saka kay Mother (Lily Monteverde) and of course, sa Regal,” naiiyak na sabi ni Myrtle.

Iniyakan daw niya talaga ang Papa Pogi dahil akala raw niya ay hindi na ibibigay sa kanya last year. Kaya naman sobrang happy niya na nabalik sa kanya.

Showing na ang Papa Pogi sa March 20 mula sa direksyon ni Alex Calleja.

Ina hindi agad nag-sink in na nanalo siya sa International Filmfest

Matapos manalo bilang Best Actress in the recently concluded 39th Fantasporto-Oporto International Film Festival in Portugal para sa pelikulang Kuya Wes, humarap last Friday sa isang pocket interview si Ina Raymundo kasama ng leading man na si Ogie Alcasid.

Feeling nasa cloud nine pa nga ang aktres at sobrang happy niya sa kanyang first international award. Noong una nga raw ay hindi mag-sink-in sa kanya at ayaw niyang maniwala.

Hindi nga raw niya ine-expect at all at nanghihinayang siya na hindi siya nakasama kina Ogie sa Portugal.

“Dapat nandu’n ako, eh. Pero nagkataon na matagal na akong may na-book na family outing, hindi ko ma-cancel, bayad na. Alam mo ‘yun, sayang, di ba?

“At saka ‘yun ‘yung only time na bakasyon ng mga anak ko na hindi kasabay ng bakasyon ng ibang schools,” sey ni Ina.

Nalaman daw niya sa kanyang manager paggi­sing niya ng Sunday at nakabalik na sila sa bakasyon na nanalo siya.

Hindi raw siya makapaniwala at tinanong niya talaga kung sure ba talaga. Nakita raw niya ang post ni Ogie at nirepost na lang niya raw ito.

“Pero totally nag-sink-in siya sa akin mga few days later, mga 2-3 days later,” she said.

Ayon pa kay Ina ay answered prayer daw talaga ‘yun dahil isinulat niya sa prayer list niya sa church nila last January na sana makapunta siya international film festival or manalo siya ng international award.

Ang bilis na natupad ang kanyang dasal kaya naman masayang-masaya raw siya.

Ang Kuya Wes ay entry to Cinemalaya Film Festival last year at ngayon ay magkakaroon na ng commercial showing on March 13. Isa rin sa produ­cers si Ogie mula sa direksyon ni James Robin Mayo.

vuukle comment

MYRTLE SARROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with