^

Pang Movies

Mang Ramon parang totoo ang agimat

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Clannish ang Revilla family kaya nagtipun-tipon ang lahat ng mga anak at apo ni former Senator Ramon Revilla nang magdiwang ito ng 92nd birthday noong March 8, 2019.

 

Nakakabilib ang resistensya ni Mang Ramon na pinaniniwalaan ko na talagang may agimat dahil nalampasan niya ang lahat ng mga pinagdaanan na health crisis.

 

Good health lang ang tanging birthday wish ko kay Mang Ramon dahil nasa kanya na ang lahat, lalo na ang pagkakaroon ng mga mababait, mapagmahal at maasikaso na mga anak.

Eddie active pa rin kahit 90 na

Hanga rin ako kay Eddie Garcia na turning 90-years old sa May 2, 2019 pero malakas at nagtatrabaho pa rin.

Sa edad na 89, active na active sa showbiz si Tito Eddie dahil nakakapag-taping pa siya para sa mga teleserye.

Hindi lamang active sa telebisyon ang vete­ran at respected actor dahil gumagawa pa rin siya ng mga pelikula.

Nag-attend si Tito Eddie ng story confe­rence noong Biyernes ng Sanggano, Sanggago at Sanggwapo ng Viva Films.

May special participation si Tito Eddie sa comedy movie na pagbibidahan nina Janno Gibbs, Andrew E. at Dennis Padilla.

Kung tutuusin, puwede nang dedmahin ni Tito Eddie ang storycon pero dumalo pa rin siya para ma-meet ang mga artista na makakatrabaho niya.

Janno maraming nanibago sa pagiging early bird

Tatamad-tamad ang role ni Janno Gibbs sa Sanggano, Sanggago at Sanggwapo pero sa tunay na buhay, masipag na masipag na siya.

Sa male stars ng pelikula, si Janno ang pinakamaaga na dumating sa story conference kaya nanibago ang kanyang mga kasama.

OA ang trapik sa Metro Manila noong Biyernes pero early bird si Janno sa story conference na gina­nap sa Viva Films office. Ang feeling ng mga eyewitness, excited at seryoso na talaga si Janno sa bagong chapter ng kanyang buhay at showbiz career.

Dingdong at Marian pumipili na ng pangalan ng baby boy

Pumipili pa sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng pangalan ng baby boy nila na isisilang sa April 2019.

Ang hula ng fans, hindi puwedeng mawala ang Jose sa pangalan ng bagets dahil Jose ang first name ni Dingdong.

Maria Letizia ang full name ni Zia, ang panganay nina Marian at Dingdong. It’s a must na may Maria sa pangalan ni Zia dahil may Maria sa tunay na pangalan ng nanay niya.

Kapangalan nina Dingdong at Marian ang nanay at tatay ni Jesus Christ, sina Maria at Jose kaya malamang na may Jose rin sa name ng baby boy na isisilang ni Marian.

Parehong Katoliko sina Marian at Dingdong. Marian devotee rin sila kaya gabi-gabi, nagro-rosaryo sila at may novena para sa ligtas na panganganak ni Marian na nagbakasyon na kaya hindi na napapanood sa Sunday PinaSaya.

Knowing Dingdong, sure ako na excited na siya na makita ang baby boy nila ni Marian dahil ganoon din ang pakiramdam ni Alfred Vargas nang malaman nito na lalaki ang ipinagbubuntis ng kanyang misis na si Yasmine Vargas.

May ibang happiness sa mga tatay ang pagkakaroon ng anak na lalaki na magiging junior nila.

Sa kaso ni Alfred, hindi puwedeng mawala ang first name niya sa pangalan ng kanyang baby boy na si Alfredo Cristiano. Naging tradisyon na rin nina Alfred at Yasmine na magsimula sa letter A ang pangalan ng kanilang mga anak.

vuukle comment

RAMON REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with