^

Pang Movies

Dayanara iniwanan sa ere ng Marvel executive na BF dahil sa sakit?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Dayanara iniwanan sa ere ng Marvel executive na BF dahil sa sakit?!

Maraming netizens ang nalungkot nang kumalat sa social media ang pakikipaghiwalay diumano ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres sa kanyang fiancé na si Louis D’Esposito na co-president ng Marvel Studios.

 

Ayon sa isang Argentianian news website, si D’Esposito raw ang nakipaghiwalay kay Yari over the phone. Nataon pa na iyon din ang araw na in-announce ni Yari na na-diagnose siya with skin cancer.

Sa Instagram account ni Yari, nasabi ng Puerto Rican beauty queen na ang kanyang fiancé ang nag-push sa kanya na magpa-checkup dahil concerned ito sa kalusugan niya. Makikita pa raw sa background ni Yari ang photo nila ni Louis na magkasama.

By the time na nalaman ni Yari na hindi pa nag-spread ang cancer cells sa kanyang organs, nagpasalamat ito sa mga nagdasal para sa kanya at magsisimula na siya ng kanyang radiation treatment. Pero maraming netizens ang nakapansin na hindi na raw suot ni Yari sa kanyang ring finger ang engagement ring na bigay ng kanyang fiancé. Nawala na rin daw ang photo frame kunsaan magkasama sila ni Louis.

Ayon sa sources ng naturang website, si Louis nga raw ang nagtapos ng kanilang engagement dahil “too much” daw ang pinagdaraanang sakit ni Yari at hindi niya ito kakayanin dahil na rin sa kanyang trabaho with Marvel Studios.

Sa recent post ni Yari, nilagyan niya ito ng post na: “Notice the people who make an effort to stay in your Life...”

Hinihintay na lang ng marami ang confirmation ni Yari kung totoong hiwalay na sila ni Louis.

September 2018 noong I-confirm nila Yari at Louis na sila ay may relasyon at na-engage sila noong November 2018. 

J.Lo at Ne-Yo napabilib ng Pinoy dance group

Pinabilib ng Pinoy dance group na VPeepz ang judges ng dance competition program na World Of Dance na sina Jennifer Lopez, Ne-Yo and Derek Hough dahil sa audition performance nila noong nakaraang March 3.

Suot ang kanilang bright orange firemen costume, sumayaw ang VPeepz sa tugtog na How Low at manghang-mangha ang tatlong judges sa hip-hop moves ng group na ang edad ay under 18.

Teary-eyed si J.Lo nang narinig niya mula sa dance group na ang layunin nila ay ang i-promote ang diversity, unity, and love. Galing daw ang mga miyembro ng VPeepz sa iba’t ibang family background. Sa katunayan ay may isang member daw sila na kailangang maglakad ng isang oras para lang makarating sa dance practice.

Zac Efron, Olympian ang bagong dini-date!

May bago raw dine-date ang Hollywood hunk na si Zac Efron at ito raw ay ang Danish Olympic swimmer na si Sarah Bro.

Though wala pang confirmation tungkol sa kung ano ang relasyon ni Zac sa Danish athlete, ilang beses na raw silang nakitang magkasama at ayon sa netizens, hindi mere coincidence na pareho silang nasa iisang lugar parati.

Noong nakaraang March 1, kapwa nag-share sa kanilang Instagram accounts sina Zac at Sarah habang nanonood sila ng hockey game ng Los Angeles Kings. 

Sa araw din na iyon, nag-post din si Zac pero isang selfie habang tinatakpan niya ang kanyang mga mata with the L.A. Kings hat.

Noong March 2 naman, nakunan ng photo si Zac habang nanonood ito ng UFC 235 Fight sa Las Vegas. At nakita sa photo na katabi niya ay si Sarah.

Ayon sa isang eyewitness, nakita niyang magkasamang dumating sina Zac at Sarah. 

“They looked like they were having a great time. They were smiling and laughing in their seats. Zac was approached by multiple fans and Sarah was very patient as Zac spoke to everyone who approached him,” kuwento pa ng source sa E! News.

Noong March 5 naman, nag-post si Sarah sa kanyang Instagram Story ng photo ng bouquet of flowers. Pero hindi niya binanggit kung kanino ito galing. Nilagyan lang niya ito ng pink hearts emoji.

Kasalukuyan namang sinu-shoot ni Zac ang pelikulang Beach Bum sa California. 

Na-link noon romantically si Zac sa High School Musical co-star niyang si Vanessa Hudgens at sa co-star niya sa pelikulang Baywatch na si Alexandra Daddario.

DAYANARA TORRES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with