Angel nagpasalamat sa ginawa ni Kylie
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 9, 2019 - 12:00am

Si Angel Locsin ang female role model ni Kylie Padilla. Inilantad niya ang paghanga kay Gel sa isang interview ni Kylie na napanood ng fans ng Kapamilya actress.

 

Idinaan sa Twitter ni Angel ang pasasalamat sa pahayag ni Kylie.
“Thank you Kylie for the sweet words. I really appreciate it coming from you.
“Ladies, let’s be like @kylienicolep. Let’s support, encourage, compliment and cheer on fellow females, both in business and our personal life. And do it all with an inspiring amount of love and grace.”

Ogie muntik sumuko sa Kuya Wes

Halos sumuko na si Ogie Alcasid na gawin ang indie movie niyang Kuya Wes na ipinalabas sa Cinemalaya indie film festival last year.

Madalas itong tanggihan sa inalok niya producers dahil hindi raw ito all out comedy.

Si Piolo Pascual ang naging tagasalba niya na pumayag iprodyus ito under Spring Films. Pero ang kundisyon bago gawin ang movie eh, hati sila sa gastos.

“Nandoon na ako sa point na, ‘I guess this was not meant for me.’ ’pahayag ni Ogie nang makausap ng press.

Alam naman niya ang nangyayari sa mga sinapit ng karamihan sa naipalabas na local films.

Pero rason niya, slow birth man ang simula nito, umaaasa siyang magkakaroon ito ng word of mouth gaya ng Kita Kita ng na produced ng Spring Films.
“But I th ink there’s a lot of buzz already. Nanalo pa si Ina (Raymundo) ng acting award, nandiyan kayo, magandaang reviews. I’m hoping it’s okay,” diin ni Ogie.

ANGEL LOCSIN KYLIE PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with