^

Pang Movies

Cristine Reyes daring ang color red na buhok

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Cristine Reyes daring ang color red na buhok
Cristine Reyes

Naku hindi siguro kakayanin kahit na very beautiful girl ang color ng buhok ni Cristine Reyes ha Salve. Red na red, ok lang iyon short hair siya, pero daring iyon color. Saka mas blooming tingin ko sa kanya sa Boracay nang makita natin, now siguro nga napagod sa shooting ng Maria ng Viva kaya medyo haggard siya.

At sabi niya from day 1, siya talaga ang guma­gasta para sa anak niya sa hiniwalayang asawa ha, bongga.

Russian father ni Nanette Medved pumanaw na sa edad na 92

Condolence kay Nanette Medved-Po dahil sa pagpanaw ng kanyang Russian father.

Lumipad si Nanette sa San Diego, California dahil dito binawian ng buhay ang tatay niya na 92-years old.

Witness ako sa sobrang pagmamahal ni Nanette sa kanyang very supportive father. I’m sure, pumanaw na masaya ang tatay ni Nanette dahil nakita niya na maligaya ang kanyang anak sa piling ng asawa at dalawang anak nito.

Again, nakikiramay uli ako kay Nanette dahil sa pagkawala ng wind beneath her wings.

Paolo nagluluksa sa pagkamatay ng alaga

Nagluluksa rin si Paolo Ballesteros dahil sa pagkamatay ni Sam, ang kanyang pet cat.

Ikinalungkot ni Paolo ang pagkawala ni Sam dahil ito ang kasiping niya, lalo na noong mga panahon na masakit na masakit ang kanyang puso nang magkahiwalay sila ng love of his life.

Makaka-relate sa sadness ni Paolo ang mga pet lover na kagaya niya. Parang tao rin ang mga pusa at tulad ng mga aso, loyal pets din sila kaya dinaramdama ni Paolo ang paglisan ni Sam na mas matagal pa yata ang relasyon sa kanya kesa sa mga naging dyowa niya.

Dingdong magiging endorser ng pagkain!

Opisyal na ipakikilala ngayon si Dingdong Dantes bilang bagong celebrity endorser ng isang food product.

I’m sure, ang nalalapit na pagsisilang ni Marian Rivera sa kanilang baby boy ang isa sa mga itatanong kay Dingdong.

Malamang na tanungin din si Dingdong tungkol sa A Hard Day, ang bagong pelikula na gagawin niya sa Viva Films.

Isang blockbuster Korean movie noong 2014 ang A Hard Day at si Dingdong ang napili para magbida sa Philippine adaptation ng pelikula.

Fans ng mga Korean movie ang marami sa mga kababayan natin kaya alam nila ang kuwento ng A Hard Day.

In fairness, nagkakaisa ang Pinoy fans sa pagsasabi na maganda talaga na pelikula ang A Hard Day kaya hoping sila na bongga rin ang Philippine version na tatampukan ni Dingdong.

 Ang A Hard Day ang second Korean movie na gagawan ng Viva Films ng local adaptation. Nauna ang Miss Granny na pinagbidahan ni Sarah Geronimo at pinilahan sa takilya dahil pulido rin ang direksyon ni Joyce Bernal.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with