^

Pang Movies

Ogie Alcasid proud sa panalo ni Ina Raymundo!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ogie Alcasid proud sa panalo ni Ina Raymundo!
Ogie Alcasid

Happy si Ogie Alcasid para sa Kuya Wes leading lady niya na si Ina Raymundo dahil nagwagi itong best actress sa 39th Fantasporto International Film Festival.

Co-producer ng Kuya Wes si Ogie, kaya naman naisipan niyang isama si Ina sa solo presscon sana niya today.

Gusto kasi ni Ogie na ma-interview rin ng entertainment press si Ina para sa karangalang natanggap dahil na rin sa mahusay nitong pagganap sa Kuya Wes.

Sa March 13 na ang showing ng Kuya Wes at dahil sa magandang feedback sa pelikula, marami ang nagsasabing puwede itong kumita sa takilya.

Sa March 12 ang celebrity screening ng Kuya Wes at inaasahang napakaraming celebrities ang darating dito including Regine Velasquez-Alcasid at ang co-producer na si Piolo Pascual.

Sylvia ayaw nang magsalita kina Maine at Arjo!

Si Sylvia Sanchez sa event ng isang local film festival kahapon sa Podium mall.

Pinagkaguluhan ng press si Sylvia pagkatapos ng event.

Obviously, inusisa ng press si Sylvia tungkol sa relasyon ng anak niyang si Arjo Atayde kay Maine Mendoza.

Kasama nga pala sa event na ‘yon si Sylvia dahil sa pelikula niyang Jesusa.

Tumanggi na ring magsalita pa si Sylvia at ang sabi ay, “Ayoko nang magsalita tungkol diyan, minsan na akong nagsalita, tapos na, ayaw ko na!”

AiAi sunud-sunod ang biyaya

Simula kagabi ay kasali na sa Kara Mia si AiAi delas Alas.

Sabi ng mga taga-GMA-7, “Tuluy-tuloy ang blessings na dumarating kay Comedy Queen AiAi delas Alas dahil matapos niyang magwagi bilang Best Actress sa 39th Fantasporto International Film Festival in Portugal para sa kaniyang 2018 Cinemalaya movie na School Service, ay mapapanood naman siya ng kanyang avid fans sa trending na primetime series na Kara Mia. Gagampanan ni AiAi ang karakter ni Reynara, isang engkanto na tutulong kay Iswal (Mike Tan) para maging isang mortal ito. Nais kasi ni Iswal na mapasakanya si Aya (Carmina Villarroel) kaya gagawin niya ang lahat para rito..”

Tie nga pala sina AiAi at Ina bilang best actress sa nasabing international film festival.

Shows ng Regal gustong ibalik sa IBC!

Hindi lahat ng old shows ng IBC-13 ay mu­ling mapapanood sa nasabing TV network.

Ang ibang old shows kasi nila ay hindi nila solo na prinudyos.

Ang iba ay blocktimer o co-produced.

Pero balak ni Ms. Kat de Castro na kausapin si Mother Lily Monteverde para ‘yung mga show noon ng Regal ay puwede nilang maipalabas uli sa Trese.

May nagsa-suggest din na ‘yung ilang episodes ng Scoop, showbiz talk show noon nina Manay Lolit Solis at Boy C. de Guia ay ipalabas din uli nila.

vuukle comment

INA RAYMUNDO

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with