Jillian Ward
Jillian nanggulat sa galing sa pagkanta!
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - March 8, 2019 - 12:00am

Ang galing-galing kumanta ni Jillian Ward, ang dating child star na dalagita na ngayon. Nagulat nga si Bossing Vic Sotto nang kumanta ito sa isang portion ng Eat Bulaga.

Si Jillian ay isa sa main cast ng My Special Tatay nina Ken Chan at Rita Daniela ng GMA-7.

Ang isa pang nakakagulat ay si Dekdek na cast din ng nasabing serye. Siya yung gumaganap na best friend ni Boyet (Ken). Dahil sa kanilang talent in singing, baka maging recording artist na rin sila ng GMA, at tila yata mukhang mapapasama pa sila sa isang musical show dito.

Noon ngang first Studio 7 GMA Musikalye Todo na ginanap sa Valenzuela City, napasabak sina Jillian at Dekdek sa harap ng libu-libong audience na nanood, at puro batikan at magagaling sa kantahan ang mga kasama nila, like Christian Bautista, Mark Bautista, Julie Anne San Jose, Mikee Quintos, Gabbi Garcia, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Winwyn Marquez, Valeen Montenegro, Kylene Alcantara, at iba pa. Pero hindi sila nagpatalo sa mga ito at talagang nakipagsabayan sila ng kantahan.

Sorry ni Ipe hinihintay pa

Hindi ko talaga nagustuhan ang kabastusan na napanood ko sa 24 Oras news program nina Mike Enriquez, Mel Tiangco at Ivan Mayrina last Feb 28, na featured sina Senatorial candidate na si Bong Go at ang actor na si Philip Salvador.

Maraming nakapanood sa eksenang nabastos si Kris Aquino.

Hindi ba’t unethical pag-usapan ang isang tao na wala naman sa eksena o umpukan! How much na ginamit pa sa pangangampanya ng isang well-respected na kanditado sa pagka-senador sa darating na eleksyon sa May 2019?

The damage has been done kahit pa nag-sorry na si Sir Bong kay Kris.

Oo nga naman, si Phillip kasi ang scriptwriter ng nasabing okasyon at siya rin mismo ang campaign manager ni Bong Go.

Sa madaling salita, kagagawan lahat yun ni Phillip at siya dapat ang sisihin!

Teka nag-sorry na ba siya kay Kris?

Aktres nahawakan na ang pinaglalawayang aktor

Finally, naka-eksena ng said aktres sa isang TV series ang machong actor.

Matagal na pala niyang iniilusyon na mayakap at mahalikan si guwapitong actor.

Well, may kalandian si girl at ma-elya. Sabagay, totoong guwapo si actor at talagang may K din umarte at balitang daku ang kanyang batuta! Hindi kaya ang puntirya ni girl kay actor ay ‘yun lang? Ma at pa!

Condolences…

Nakikiramay kami sa mga naiwang mahal sa buhay ng yumaong si Marie Balbacui at ganun din ng mang-aawit na si Anne Brazil.

Si Marrie Barbacui ay member fans club ni Vilma Santos-Recto at friend ng karamihan sa mga press people. Si Anne Brazil naman ay isang icon sa larangan ng pag-awit noong kapanahunan ng kasikatan nila ni Imelda Papin.

Eternal Rest grant unto them, oh Lord and may their soul rest in peace forever and ever amen.

Personal…

Maraming salamat po kina Miss Erica, Miss Anna ng Skycable at kay Miss Grace ng Western Union. Mga avid readers po sila ng PM (Pang Masa) at Pilipino Star NGAYON (PSN).

Special thanks din kay Sir Willy ng Mini Stop.

 

JILLIAN WARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with