^

Pang Movies

Nancy Binay nagagamit ang pagiging uling sa kampanya!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi affected si Senator Nancy Binay ng mga basher na inookray ang kanyang kulay. Imbes na mairita, natatawa si Mama Nancy dahil nakakatawa raw naman talaga ang mga pang-ookray sa kanyang brown color.

Kita n’yo naman, naging advantage pa kay Mama Nancy ang kulay nito dahil nagamit niya in a positive way sa kampanya ang pagtawag sa kanya ng uling.

Brilliant idea nga ang kanyang television ad na nag-dialogue siya ng “‘Di n’yo man ako makita sa dilim, alam kong marami sa atin, madilim ang Pasko.”

Yung iba naman, wagas kung makapanglait sa brown skin ni Mama Nancy pero magkakulay rin naman sila. May mga pralala sila na magmamahal daw ang presyo ng uling kapag natalo si Mama Nancy sa eleksyon ng mga senador sa May 2019. Ang hindi nila alam, lalong napapansin at nakakakuha ng mga simpatiya si Mama Nancy dahil sa kanilang mga pang-ookray.

Nabanggit ang pangalan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa presscon ni Mama Nancy noong Martes dahil maraming memes tungkol sa kanila ang lumabas nang magkita sila sa senado.

Nagkaroon ng courtesy call si Catriona sa senado at ang masusi na pagtingin sa kanya ni Mama Nancy ang napansin ng mga faney na happiness na ang manglait ng kapwa.

Katakut-takot na memes ang lumabas na ma­linaw na pang-ookray kay Mama Nancy pero hindi ito naapektuhan.

Sinabi ni Mama Nancy na entertained na entertained ito sa mga meme na hindi niya itinutu­ring na bad publicity dahil doing well siya sa mga survey.

Natutuwa nga si Mama Nancy kapag nag-iikot sa mga probinsya dahil sa mga reaksyon ng mga kababayan natin na simpleng-simple lang siya at kamukha rin niya sila.

Ex-beauty queen, sadsad ang pelikula matapos umamin na kabit

Flop ang pelikula ng isang former beauty queen. Hindi nakatulong ang pag-amin niya na ex-dyowa siya ng isang aktor na may asawa at mga anak.

Ang akala yata ng beauty queen, makakatulong sa unang pelikula niya ang kanyang admission na hindi ikinatuwa ng fans, lalo na ng mga tao na may pagpapahalaga sa pamilya.

Kahit iba na ang panahon ngayon, hindi pa rin tanggap ng mga conservative Pinoy ang mga mistress na ipinangangalandakan pa ang pakikipagrelasyon nila sa mga lalake na may pananagutan na sa buhay.

Nagkamali ang beauty queen sa diskarte nito dahil ni hindi napansin o napag-usapan ang participation niya sa pelikula na hindi naramdaman na ipinalabas sa mga sinehan.

vuukle comment

NANCY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with