^

Pang Movies

Erwan Heussaff, Matteo Guidicelli gustong magparamihan ng anak kina Anne Curtis, Sarah Geronimo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Erwan Heussaff, Matteo Guidicelli gustong magparamihan ng anak kina Anne Curtis, Sarah Geronimo!

Kaaliw naman ang video na lumutang sa internet kung saan ay tinatanong sina Matteo Guidicelli at Erwan Heussaff kung ilan ang gusto nilang anak.

Ang sagot ni Matteo ay 16 daw habang si Erwan, 24 naman ang gusto.

Naroroon din si Sarah Geronimo na GF ni Matteo at si Anne Curtis na wife naman ni Erwan kaya nahingan sila ng reaksyon.

Natawa na lang pareho sina Sarah at Anne.

Nakakatuwa na talagang ang pagbuo na ng pamilya ang naitatanong ngayon kina Matteo at Sarah. Ang tingin nga sa kanila ng iba ay parang mag-asawa na at kulang na lang ay kasal.

Ang dami nga ring nagi-speculate na engaged na ang dalawa at ayaw pa lang sabihin. Iba na rin talaga ang kilos nila ngayon, hindi kilos ng simpleng ­mag­­­d­yo­­wa lang kundi parang ikakasal na talaga.

Sen. Nancy gustong regaluhan ng ‘make love not war’ ang mga kapatid

Make Love Not War ang title ng libro ni re-electionist Senator Nancy Binay kaya naman sa lunch tsikahan with the entertainment press kahapon ay natanong kung nasabi ba niya ang mga naturang kataga sa dalawa niyang kapatid na sina Makati Mayor re-electionist Abby Binay at Junjun na naglalaban ngayon para sa iisang posisyon.

“Actually, reregaluhan ko nga sila dapat, eh. Kaso lang, hindi ko pa sila nabibigyan ng kopya kasi nga I’ve been out but that’s my intention – to give them a copy of my book,” pagbibiro ni Sen. Nancy kaya tawanan ang press.

When asked kung kumusta naman ang relasyon niya sa dalawang kapatid, anang Senadora ay inamin na rin naman ng isa sa sa mga ito na hindi sila okay.

Si Abby ang tinutukoy ni Sen. Nancy na matatandaang uma­min sa presscon din nito with the entertainment press kamakailan na hindi sila speaking terms.

“Mayroon kaming mga personal differences. I think, sinabi na naman niya noon,di ba? May personal differences but inspite of that differences, dapat ‘yung effort na mag-ayos kami should always be there.

“So, kakausapin pagkatapos ng from now until after the elections, dapat nandu’n pa rin ‘yung conscious effort na mag-ayos-ayos ka­ming magkakapatid. Kasi at the end of the day, pamilya kami, di ba?” pahayag ng Senadora.

Diretsahan siyang natanong kung sino ang ibo­boto niya sa dalawa na Mayor ng Makati, at sey niya, “’yung local elections, magi-start sa March 29. So, abangan n’yo na lang kung nasan ako.”

Well, medyo klaro na rin naman sa mga mama­ma­yan kung nakanino ang suporta ni Sen. Nancy dahil matatandaang sinamahan niya si Junjun sa pagpa-file nito ng COC (Certificate of Candidacy) last year habang si Abby naman ay sinamahan ng kanilang amang si dating Vice President Jejomar Binay.

Game ring sinagot ng Senadora ang tungkol sa mga funny memes ngayon na kumakalat tungkol  sa kanila ni Miss Universe Catriona Gray matapos nilang magkita sa Senado kama­kailan.

“Wala, okay lang, tawang-tawa nga ako du’n sa mga lumabas. For me, the best, kung sino man ‘yung gumawa nun’g apat na…’yung picture ni Tito Sen (Sen. Tito Sotto), picture ni Sen. Greg, ‘yung picture ni Catriona, ‘yung nilagay ‘yung mukha ko, I think ‘yun ‘yung the best meme. Winner!” sey ni Senator.

Dagdag pa niya, “entertaining.”

Seriously, pareho raw sila ng advocacy ni Catriona to promote our local fabrics kaya hopefully, pag natapos na raw ang termino nito as Miss Universe ay magkaroon sila ng collaboration regarding this.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ERWAN HEUSSAFF

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with