^

Pang Movies

Nancy Binay gumawa ng slum book, wala nang paki sa bashers

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Nancy Binay gumawa ng slum book, wala nang paki sa bashers
Senator Nancy Binay

Kakaiba ang konsepto ng librong inilabas ni Senator Nancy Binay na may title na Make Love Not War.

Kasi naman, back to back sila ng number one basher niyang may pangalang Senyora. Pero ayon sa senador nung nakachikahan ng entertainment press kahapon, parang slum book ang drama ng libro kaya hindi sila nagkaroon ng chance na magkakilala.

Pero ngayon, sanay na si Sen. Binay sa bashers sa social media. “Ayokong ma-stress at magkaroon ng wrinkles! Ha! Ha! Ha! Kaya ko pa namang i-control ang sarili ko basta huwag nilang idadamay ang pamilya ko!” rason niya.

May isa pang book siyang ilalabas sa Mayo na itataon sa kanyang 46th birthday. Ito ay ang 46 Charcoal Confessions kung paano haharapin ang bashers at trolls sa social media.

Michael V. ididirek si Dawn Zulueta!

Pinasok na ni Michael V. ang pagdidirek. Siya ang kinuhang director sa joint venture ng GMA Films at Mic. Tet Entertainment ng Bianca Umali at Miguel Tanfelix movie na may title na Family History with Dawn Zulueta.

Ginanap kahapon ang story confe­rence ng movie na bukod sa BiGuel loveteam ay kabilang din sa cast sina Paolo Contis, Noni Buencamino, Maritoni Fernandez.

Mas kilala si Bitoy (Michael V) bilang creative director lalo na sa Kapuso gag show na Bubble Gang. Sa isang music video na kanyang ginawa recently na Uh-Oh na parody version ng kanta ng Up Dharma Down na Oo at siya bilang si Ay Karma Yan ay umabot na sa mahigit four million views, huh!

Kim Chiu nakatanggap na ng ‘Silver’

Natanggap na ni Kim Chiu ang kanyang Silver Play Button Award mula sa You Tube. Sinorpresa pa ang aktres ng kanyang Team sa YouTube channel niya at ipinagmalaki ang award.

Ang nasabing recognition ay para sa creator na humamig ng 100,000 o mahigit pang subscribers. Ang pagbigay kay Chinita Princess ay documented niya sa IG video.

Ang isa sa most viewed na inilabas niya sa YT ay ang buong kuwarto niya na nu’ung una ay atubili pa siyang ipasilip, huh!

vuukle comment

NANCY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with