Jericho Rosales at Yen Santos
Tunog ng Halik patok na rin!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - March 6, 2019 - 12:00am

Nagbubunyi ang fans nina Lino at Jacky na character nina Jericho Rosales at Yen Santos sa seryeng Halik dahil umabot na sa mahigit isang milyon ang nakikinig sa official soundtrack na Hardin sa Spotify Philippines at YouTube.

Kinikilig ang fans kapag pinatutugtog ang kanta tuwing magka-eksena sina Lino at Jacky. Agad na nag-request ang fans na gawan na ng music video ang nasabing kanta.

Marami ang hanga kay Echo. Hindi lang kasi ito mahusay sa pag-arte, kung hindi, magaling din siya sa music kung saan naipamalas niya ang pagiging soulful singer. Hindi nakapagtataka na iba ang impact ng kanta sa kanilang milyong followers, kaya naman pati sa mga comment section ng mga social media sites ay pinagtatalunan kung sino sa kanilang apat nina Jericho, Yen, Sam at Yam ang pinaka-angat.

Sa nalalapit na pagtatapos ng nasabing serye sa March 29, inaasahang mas titindi pa ang mga bangayan at banggaan ng apat.

Abangan nalang natin ang mga susunod na pasabog.

JERICHO ROSALES YEN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with