^

Pang Movies

Charo Santos ‘di naniniwalang patay na ang industriya ng pelikula

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Charo Santos �di naniniwalang patay na ang industriya ng pelikula

Para sa Asia’s Best Actress at former President ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio, hindi naman daw dying ang movie industry natin tulad ng sinasabi ngayon ng marami sa showbiz.

Aniya sa mediacon ng latest offering niya, ang horror film na Eerie with Bea Alonzo, may mga disruptions lang daw ngayon dahil na rin sa rami ng streaming services sa internet.

“Hindi naman. May challenges lang, di ba? With the digital technology, may disruptions talaga with a lot of streaming services available, and content that is available at the palm of your hand,” she said.

Para sa kanya, nasa ‘exciting time’ pa nga ngayon ang industry dahil madali nang gumawa ng pelikula ngayon.

“In fact, these are exciting times nga for the creators. Di ba? Diyos ko noon, ang hirap-hirap gumawa ng pelikula, di ba? Eh ngayon, mas accessible na ‘yung mga gamit, ‘yung ganu’n.

“Tapos, kailangan lang talaga, marunong kang magkwento and it’s not just a matter of you know, picking up a premise and having it written.

“You have to... kailangang alam mo ‘yung visual medium, eh. Di ba, hindi lang naman ‘yan maglalahad ng kwento, na meron kang magandang kwento. Kailangang tama ang paglalahad mo. Alam mo ‘yung mga elemento that make up a great film. Di ba? Ang daming bata na pumapasok sa pelikula,” dagdag niya.

Agree naman dito ang direktor na si Mikhail Red na siyang director ng Eeerie. Aniya ay ito nga raw ang challenge sa kanilang mga filmmaker because of these online platforms na naglalabasan.

“Ngayon, napo-force kami na di ba, to disrupt the system, di ba? To go wide. Kaya ngayon, we’re trying to export films, di ba? To find a larger au­dience. To make different genres.

“And I think, ‘yun ‘yung maganda dito – napo-force kami to adapt and this (Eerie) is the start,” paliwanag ni Mikhail.

Sa trailer pa nga lang ay mukha naman talagang napakaganda ng pagkakagawa ng Eerie and the way direk Mikhail explained his work, para naman talagang alam niya ang kanyang ginagawa at hindi ‘yung tipong basta makagawa lang ng pelikula.

May point din naman sina Charo and Mikhail. Kung pagbubutihin nga naman ng mga filmmaker ang paggawa ng pelikula, bakit naman hindi ito panonoorin?

Well, let’s find out kung tama rin ang kanilang mga opinyon once na ipinalabas na ang Eerie sa mga sinehan on March 27.

Rochelle at Arthur nakahanap na ng pangalan sa anak

May name na ang baby girl nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap at pormal na nila itong ipinakilala sa publiko via their social media accounts.

Nag-post ang mag-asawa sa kani-kanilang Instagram account ng larawan ng kanilang baby girl na pinangalanan nilang Shiloh Jayne Pangilinan Solinap.

Umapaw naman sa comments section ang congratulatory messages sa mag-asawa mula sa netizens at maging sa mga kapwa nila artista.

Isa nga sa bumati ay ang dating Kapuso star na si Regine Velasquez at nagpasalamat naman si Rochelle.

vuukle comment

CHARO SANTOS-CONCIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with