^

Pang Movies

Sunshine natupad na ang dream wedding

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Sunshine natupad na ang dream wedding
Sunshine & Alex

Officially, isa nang ganap na Mrs. Alex Castro ang dating miyembro ng Sexbomb Dancers at isa sa cast ngayon ng long-running Sunday gag show na Banana Split na si Sunshine Garcia (33) nang ito’y ikasal sa kanyang mister, ang singer-actor-turned politician na si Alex Castro, Board Member ng ika-4th district ng Bulacan.  Ang couple ay ikinasal sa Manila Cathedral in Intramuros, Manila nung nakaraang Sabado, March 2.

Naging part of the wedding entourage ang ilang mga kasamahan ni Sunshine sa Banana Split na sina Angelica Panganiban, John Prats at Pooh kasama sina Jake Cuenca, Joseph Marco at ilang dating kasamahan ni Sunshine sa Sexbomb Dancers.

Bago ang  church wedding nina Sunshine at Alex ay isinilang ng dancer-actress ang kanilang first born na isang baby boy nung nakaraang September 10, 2018 na magsi-six months old na this coming Sunday, March 10.

TNT Boys tuloy ang pag-iingay

Patuloy ang paggawa ng pangalan at pag-usad ng TNT Boys na binubuo nina Kiefer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion sa international scene nang mapasali ang kid trio sa first of its kind global talent competion, ang The World’s Best hosted by James Corden at kung saan tumatayong judges ang tatlong popular American talents na sina Drew Barrymore, RuPaul and Faith Hill along with the 50 international judges and are accomplished experts in the field of entertainment sa kani-kanilang respective countries kung saan kasama ang Concert Queen ng Pilipinas na si Pops Fernandez.

Sa unang salang pa lamang ng TNT Boys nung nakaraang February 3 sa The World’s Best kung saan nila kinanta ang Listen ni Beyonce ay nabigyan na sila ng standing ovation ng mga judges at nakakuha ng score na 99%.  Muli itong naulit sa kanilang second chance to perform last February 28 at kinanta naman nila ang And I Am Telling You I’m Not Going ni Jennifer Hudson from the movie Dreamgirls kung saan naman nakakuha sila ng score of 97% at muling binigyan ng standing ovation ng tatlong American judges at Wall of the World judges at maging ang host na si James Corden ay hindi rin mapakaniwala sa kakaibang talent at husay na ipinamalas ng TNT Boys na nag-guest na rin sa kanyang sariling late night talk show recently, ang The Late Late Show with James Corden on CBS TV kung saan din ipinapalabas ang The World’s Best.

Bago ang The World’s Best kung saan contestant ang TNT Boys pitted against the best of the best sa buong mundo, ang TNT Boys ay nakapag-perform and guest na rin sa iba’t ibang franchise ng Little Big Shots sa USA, UK, Australia at maging sa Pilipinas.

vuukle comment

DREAM WEDDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with