^

AlDub fans hindi matanggap ang mga sinabi ni Maine!

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - March 4, 2019 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, nakakaloka ang ibang AlDub fans, iba lang at hindi lahat, dahil pagkatapos ngang aminin ni Maine Mendoza sa kanyang blog na nagde-date sila ni Arjo Atayde, may iba sa mga ‘yon ang nagsabing fake raw ang blog post ng phenomenal star ng Eat Bulaga.

Ang gusto ng ibang AlDub fans ay marinig daw mismo mula sa bibig ni Maine ang pag-amin tungkol sa extra closeness nila ni Arjo, huh!

‘Kakaloka talaga ang ibang mga fan, ayaw tanggapin ang naghuhumindik na katotohanan, ‘noh?!

Naku, ang tiyak na ikakalola pa ng karamihan sa AlDub fans ay ang tsikang binigyan ng birthday salubong ni Arjo si Maine noong Saturday night, huh!

Private yacht party nga raw ang ibinigay ni Arjo para sa love of his life.

Mga kaibigan daw na halos kaedad nila ang nasa birthday salubong na ‘yon.

Wala raw ang parents ni Maine, pati na rin ang parents ni Arjo na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez.

At heto pa, kahapon ay umalis daw pa-Taiwan sina Maine at Arjo para i-celebrate sa lugar na ‘yon ang birthday ng dalaga, huh!

Ano pa kaya ang susunod na balita tungkol kina Maine at Arjo pagkagaling nila sa Taiwan?

Well...

Backdoor beauties nauuso!

Backdoor beauties ang tawag sa ilang mga cele­brity na nagpupunta sa beauty clinic na ito.

Nagbabayad kasi sila sa na­sa­­bing beauty clinic para sa ­ilang treatments na wala sa beauty clinics na ini-endorse nila o kaya ay may tie-up sila.

Sa mga kontrata kasi nila ay bawal na makitang magpunta sila sa ibang beauty clinic, kaya naman sa patay na oras sila nagpupunta sa beauty clinic na ‘yon at sa backdoor sila dumaraan.

Sobrang galing kasi ng beauty doctor sa beauty clinic na ‘yon at hindi siya nag-i-sponsor, kaya naman may mga celebrity talaga na nagbabayad para magpa-treatment doon!

Janine at Tom nagpasaya sa Panagbenga!

Pumarada kahapon sa Panagbenga Festival sa Baguio City ang Dragon Lady stars na sina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez.

In fairness, pinagkaguluhan sila.

After ay nag-mall show naman sila kasama sina James Blanco, Joyce Ching at Diana Zubiri.

Ang sipag-sipag mag-promote ng Dragon Lady cast dahil sa magandang feedback sa kanilang bagong series na magpa-pilot telecast na mamayang hapon sa GMA-7 pagkatapos ng Eat Bulaga.

ALDUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with