^

Pang Movies

Martin gustung-gustong laging nasa Amerika para sa anak!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo Ateng Salve, nakakabilib itong si Martin Nievera dahil kahit busy siya sa kanyang singing career, tutok pa rin siya sa tatlong anak niya, sina Robin, Ram at Santino.

 

Actually, alam mo ba na madalas mag-show abroad si Martin para madalaw at maka-bonding niya ang bunsong anak na si Santino na based sa Las Vegas, Nevada.

Tatapusin nga lang ni Martin ang ASAP Natin ‘To bukas at sa Monday ay pa-Las Vegas (via Los Angeles, California) na siya para sa show niya sa M Resort.

Actually, mga tatlong beses siyang nagsu-show roon in a year at grateful nga si Martin dahil habang nandoroon ay nakakapag-bonding sila ni Santino.

Sa Saturday nga ay may show si Martin at sa kuwento sa akin ng personal manager niyang si Joy Alonzo, almost sold out na ang tickets para roon.

Madalas ngang sabihin ni Martin na thankful siya sa Filipino fans niya sa Amerika na palaging nagpupunta sa Las Vegas para panoorin siya na mag-concert sa M Resort.

Anyway, after his M Resort concert, may concert naman siya sa Toronto, Canada on March 23, pero bago siya pumunta roon, ipapasyal muna niya sa Disneyland sa Aneheim, California si Santino.

Gustung-gusto ni Santino sa Disneyland, kaya naman pabalik-balik doon ang mag-ana.

Dragon Lady ayaw mapahiya!

Ang stage play producer/businesswoman na si Rebecca Shangkuan Chuaunsu sa grand press launch ng Dragon Lady, ang bagong afternoon series ng GMA-7 na pagbibidahan nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez simula sa Monday, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Sabi ni Rebecca, “Had a grand time as Chinese translator/consultant in GMA 7 Dragon Lady! Xie xie!”

Nang ma-interview naman siya ng entertainment press after ng Question and Answer segment, sinabi niyang bukod sa pagiging consultant sa nasabing series, binabantayan niya ang Mandarin accent ni Tom, pati ang execution ng mga eksena na related sa Chinese tradition.

Mukhang sinisigurado ng mga taga-production ng Dragon Lady na hindi sila mapipintasan sa bago nilang series, kaya naman kinuha pa nga nila si Rebecca para tutukan ang kanilang taping.

Samantala, si Rebecca ang producer ng Tsinoy stage play na Binondo at malamang daw ay magkaroon ‘yon ng revival.

Nagkausap na nga raw sila ni Direk Joel Lamangan tungkol sa bagay na ‘yon.

Super Tekla bagong Roderick nga ba?

Sa presscon ng Hitmakers & Ai ay naikuwento na ni AiAi delas Alas na gagawin niya ang pelikulang Kiko En Lala na pagbibidahan ni Super Tekla.

Dumaan din sa pagiging newcomer sa showbiz si AiAi at marami ring mga tumulong sa kanya, kaya naman ngayong nabigyan ng chance si Super Tekla na magkaroon ng launching movie, pumayag siyang mag-join cast.

Sabi ni Super Tekla, idol niya si AiAi, kaya sobrang happy siya nang malamang tinanggap nga ng Comedy Concert Queen ang Kiko En Tekla kung saan ay dual role ang comedian na kahit nagdadamit at nag-aayos babae ay nag-dialogue noon na hindi siya talaga bading.

Lalaki at babae ang role ni Super Tekla sa Kiko En Lala na ginawa na rin noong araw ni Roderick Paulate sa ilang mga pelikula katulad sa Bala at Lipstick.

Si Super Tekla na nga ba ang bagong Rode­rick?

Well...

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with