Saklolo ng KathNiel fans sa Familia Blondina ni Karla Estrada hindi pa ramdam!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - March 1, 2019 - 12:00am

Ang tsikang hindi raw ganoon kalakas sa takilya ang Familia Blondina, ang pinagbibidahang pelikula ng Queen Mother na si Karla Estrada.

Tiyak na hindi papayag ang KathNiel fans at malamang na ilang beses nilang panoorin ang pelikula ng nanay ng idol nilang si Daniel Padilla.

For sure, magkakaisa sila na suportahan ang movie ni Karla lalo na at sa premiere night ay dumating naman si Kathryn Bernardo.

Siguro naman after na mag-dialogue si Daniel na tigilan na ang kagaguhang intriga na hiwalay na sila ni Kathryn at ang pagsuporta ni Kathryn sa premiere ng kanyang “mother-in-law” ang malinaw na patunay na magkarelasyon pa nga sila ni Daniel.

Anyway, sana nga ay magsisugod na ang KathNiel fans sa mga sinehan kung saan showing ang Familia Blondina, para naman lumakas ang pelikula ni Karla.

In fairness, nakakatawa naman daw ang Familia Blondina at magaling sa pelikulang ‘yon ang nanay ni Daniel.

Angel dedma sa kasal ng ex!

After ma-engaged sila ng Filipina-Spanish model na si Margaret Hall last December, sobrang busy na raw ng Azkals player na si Phil Younghusband sa nalalapit nilang kasal (pero hindi pa sinasabi kung kailan talaga).

Ano kaya ang masasabi ni Angel Locsin sa pagpapakasal ng kanyang ex-boyfriend?

For sure, tatahimik lang si Angel dahil hindi naman mahilig magsalita tungkol sa mga gano­ong bagay ang bida ng The General’s Daughter.

Kahit nga tungkol sa mga issue sa kanya, tahimik lang si Angel.

Naging finalist ng The Clash tsugi na agad!

Kunin kaya ng ABS-CBN si Josh Adornado na naging finalist sa The Clash ngayong balitang binitiwan na siya ng GMA-7?

Tinanggal nga raw si Josh sa Studio 7 at sa iba pa niyang commitments sa Kapuso network nang mabunyag na bago pa pala sumali sa The Clash ay may ma­nager na siya.

Malinaw raw na dapat ay walang manager ang mga sasali sa The Clash.

Pero, may interest kaya ang Dos kay Josh?

Well...

Raymond aligaga sa rami ng show sa E!

Hanggang kahapon ay may taping si Raymond Gutierrez sa E! News Asia, kaya ngayon pa lang siya makakauwi ng bansa.

Bukod sa E! News Asia na napapanood sa more than 22 Asian countries, may two shows pa siya roon, ang Mond-Days at ‘yung Famously Fit.

Madalas sa Singapore si Raymond dahil sa iba’t ibang shows niya sa E! Asia.

By April, babalik na ng Los Angeles, California si Raymond para mag-shoot ng iba pa niyang commitments sa E! Asia.

A-attend din siya ng Coachella Valley Music and Arts Festival na nagsisimula sa April 12 at isa si Aria­na Grande sa mga magpe-perform.

Bale third straight year na ni Raymond na pupunta sa Coachella.

DANIEL PADILLA KARLA ESTRADA KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with