Angel Locsin
JC wala malay sa pag-walk out ni Angel!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - February 27, 2019 - 12:00am

Nakaladkad ang pangalan ni JC de Vera sa balitang pag-walk out ni Angel Locsin sa taping ng series nilang The General’s Daughter.

Nilinaw ni JC ang issue nang makausap siya ng ilang entertainment press kahapon.

“Alam ninyo, marami kaming tulog that time at nu’ng nangyari ‘yung time na ‘yon, lahat kami tulog.

“Then when we woke up, tapos na. Clueless kaming lahat. So kung tatanungin ninyo ako kung ano ang nangyari, hindi ko alam,” simula ni JC.

Hindi rin daw na-pack up ang taping at tuluy-tuloy lang ‘yon kahit wala na si Angel.

“Maraming scenes that day na puwedeng kunan kahit wala siya. So ‘yon, tulog po ako noon kahit itanong pa ninyo sa lahat ng tao sa set. Iisa lang ang sasabihin ng tao – tulog si JC,” dagdag ng aktor.

Itinanggi rin niya ang naglabasang balita na siya ang kaeksena ni Angel nang mangyari ang walk out.

“Hindi ko siya ang kaeksena that day kaya ako nakatulog. Wala kaming eksena,” sey niya.

Hindi raw walk out ang nangyari.

“Hindi naman. Nu’ng nagising ako, hindi na ako nagtanong kasi everyone was silent about it. Kumbaga, hindi siya dapat pagtsismisan at pag-usapan.

“Bilang malaki ang respeto namin kay Angel, wala ring gustong magtanong what really happened.

“Nag-send siya ng text message sa lahat na she was sorry and pasensiya na sa abala, I replied personally na sabi ko, ‘Okay lang. I understand kung anuman ang nangyari. Baka malaking misunderstanding.

“Pero tulog talaga ako noon!” ulit pa ni JC.

Basta ayon kay JC, hindi madaling i-mount ang bawat eksena nila.

“Mahirap talaga. Hindi natin maiiwasan na lahat nagiging emotional, nai-stresss, everyone’s working under pressure. Mahirap, mahirap gawin ang palabas. Hindi talaga maiiwasan ‘yung ganoon kasi gusto naming pagandahin ang palabas namin,” katwiran ni JC.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with