Second coming malapit na?!
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - February 27, 2019 - 12:00am

Ano ba yan, ang sama-sama nang nangyayari sa ating bansa.

Mga bata at babies pa lang ay ginagawa nang paninda at ang masama pa, mga totoong ina pa ang nagbebenta na halos iilang days pa lang naipapanganak ay pinaaampon kuno dahil may involved na malaking halaga.

At nariyan pa ang mga nandurukot ng mga bata o sanggol para ibenta at gawing organ donor! Either nawala sa ospital or dinukot ng mga sindikato!

Ang iba namang ina kaya napilitan ibenta ang anak dahil sa hindi kayang buhayin. Ibebenta nila sa halagang 5-10 K at ‘yung mga nadudukot naman na mga bata ay nagkakahalaga raw na 35-50K.

Oh Jesus kong mahabagin! Kawawa po ang mga bata. Sa mga ina na kung hindi n’yo kayang buhayin ang mga anak n’yo please lang huwag na kayong magbuntis! Tahiin n’yo ang mga kepyas n’yo!

At mayroon pang mga sanggol pa lang ay niri-rape at pinapatay na at ang iba naman ay nasa cyber sex na pinagpipistahan ng manyakis na foreigners.

Ang dami na pong nangyayari sa mundo about sa pagbebenta ng lamanloob ng mga bata kaya sobrang nakakakilabot.

Nariyan ang iba’t ibang calamities saan mang panig ng mundo like bagyo, pagbaha, lindol, Tsunami, pagputok ng mga bulkan at pagguho ng mga kabundukan. Hindi ba senyales ito na ang second coming ni Jesus Christ is very near?

Matakot po tayo at magsipagsisi na sa ating mga kasalanan! Upang sa pagbabalik ni Lord Jesus ay tayo’y kanyang luwalhatiin at maisasama sa ating Amang Diyos na nasa langit.

Dating nakatira sa tabing dagat at sementeryo mag-aartista na

Ang ganda ng true story ni Ethel sa Magpakailanman ni Mel Tiangco.

Api-apihan, iniwan ng ina noong bata pa, minaltrato ng tiyahin at ibang kamag-anak dahil siguro pangit siya. Nabuntis ng isang matandang kano, nagka-anak, pero inaway siya ng old man na Kano at naghiwalay sila.

Nag-asawa ulit at nagka-anak pero ‘di rin sinuwerte at binubugbog pa siya hanggang sa nagpalabuy-laboy sa lansangan pero well protected naman niya ang dalawang anak lalo na ang panganay.

Nakahiga sila sa tabi ng dagat sa Pasay City. Tapos, yung mga napaglimusan nila ay ibinibili nila ng sitsirya, candies at sigarilyo upang gawing paninda. Pinayagan silang magtinda ng isang jeepney driver basta maglilinis lang sila at sa Jeep na sila pinatutulog. One time may nadatnan na lalaki si Ethel na hawak ang kamay ng anak na dalagita, nagalit siya dali-daling lumapit at hinampas niya ito, pero false alarm kasi bumibili pala sa anak niya ng sigarilyo at sukli ang inaabot ng anak sa lalaki. Hanggang sa nagpakilala ito at naging magkaibigan.

Mabait ang guy na biyudo na at may dalawa ring anak. Pero ang bahay pala nito ay sa loob ng isang sementeryo. Nagkagustuhan at nagsama na sila, itinuring na parang tunay na anak ang dalawang anak ni Ethel at pinag-aral sila.

Napakaganda ng panganay ni Ethel, palibhasa foreigner ang ama kaya mistiza, isa siya sa napili bilang contestant ng Will Of Fortune sa Wowowin recently, hindi man pinalad na makuha ang jackpot pero may datung pa rin naman.

Pero ang nakakatuwa, more than jackpot and datung, aalagaan na ng isang talent manager ang beautiful daughter ni Ethel na hanggang sa kasalukuyan ay sa sementeryo pa rin nakatira, pero abot kamay na ang suwerte!

Aktres na may magandang mukha, mahusay magpapungay

Ang ganda-ganda ng mukha ng aktres na ito at makinis ang balat, flawless at magaling umarte. Pero bakit parang kung umasta ay parang insecure lagi kasi may mga time na over acting na rin. Isa pa sa napapansin sa kilos niya ang pasigaw-sigaw na rin na may pagtataray!

At minsan naman daw palaging nagpapapu­ngay ng mata habang nasa harap ng camera na hindi naman kinakailangan sa istorya. Kaya ang mga staff pati na rin si direk naka-ngangey na lang!

Personal…

Happy birthday my twin! Jesse Chua, my boss during Merick Films. Now he is the head of the music ministry ng Sacred Heart Parish ng Livingstone Subdivision Pasig City. God bless you my dear boss! See you soon!

MEL TIANGCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with