^

Pang Movies

Alden napagtapos na ang kapatid!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Very proud si Alden Richards na nag-post ng picture nila ng sister niyang si Riza Faulkerson, na hawak nilang magkapatid ang diploma na katibayan na tapos na at naka-graduate na ito sa training niya sa McDonald’s University. 

 

Caption ni Alden sa kanyang Facebook na Ri­chard Reyes Faulkerson Jr.: “Proud of you sobra.”

Si Riza ang naatasan ni Alden na siyang magma-manage ng franchise niya ng food chain na itinatayo na nila ngayon sa Biñan, Laguna, malapit sa Perpetual Help University doon. College graduate na rin si Riza at pumayag siyang mag-training for six months at noong Friday evening, nagtapos na siya.

Last Christmas sa Japan vacation ng mga Faulkersons, hindi nakasama si Riza dahil nagsimula ang training niya noon pang September, 2018 at hindi siya pwedeng mag-absent. At ngayon ay ready na siya sa bagong work na papasukin niya.

Naka-schedule na ang opening ng kanilang branch sa April 25, 2019.

Paolo pumayag sa masamang role

Masayang tinanggap ni Paolo Contis ang bago niyang teleserye sa GMA Network, ang Hiram Na Anak. Siya ang tatay ng anak na hihiramin ng mag-asawang Yasmien Kurdi at Dion Ignacio.

“Malapit sa puso ko ang bago naming morning serye, dahil may bago kaming baby ni LJ (Reyes) si Summer Ayanna,” sabi ni Paolo. “Kahit masama ang role ko rito, hindi maitatanggi na may puso rin akong ama.”

Bale tatlong babae na ang anak ni Paolo, dala­wa sa ex-wife niyang si Lian Paz who’s living now in Cebu City at ito ngang anak nila ni LJ. Sa posts ni Paolo noong bagong silang pa lamang si Summer Ayanna, kitang hands-on siya sa pag-aalaga ng anak.

“Eversince naman hands on ako sa pag-aalaga ng mga anak ko. Hindi ko alam kung alam ng dalawa kong anak na may bago silang sister. Wala kasi kaming communication. Pero siguro alam na nila. Sorry po lamang na hindi ako puwedeng magsalita dahil legally may process akong sinusunod. Nirerespeto ko iyon. Siguro kapag ayos na ang lahat.”

Dalawa ang katambal ni Paolo sa serye, sina Empress Schuck at Lauren Young.

Sa direksyon ni Gil Tejada, Jr., sa Lunes, February 25, mapapanood na ang Hiram Na Anak at 11:15AM bago ang Eat Bulaga.

Asawa Ko... huling linggo na!

Bukas, February 25, simula na ng finale week ng Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA Afternoon Prime Excited na ang netizens kung magiging successful si Rachel (Kris Bernal) na mai-expose na si Venus (Thea Tolentino) at ang dati niyang asawang si Nathan (Jason Abalos) ay iisa. 

Napapanood ang Asawa Ko, Karibal Ko pagkatapos ng Eat Bulaga, Monday to Saturday.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

RIZA FAULKERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with