^

Pang Movies

Catriona may hugot sa hiwalayan nila ni Clint

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Catriona may hugot sa hiwalayan nila ni Clint

Umiiwas pa raw ang ilang tao na mapag-usapan ang love life ni Catriona Gray, eh dito sa Pilipinas iyan ang unang tinatanong ng mga Pinoy. At saka mapipigilan ba naman nila kung mismong si Catriona naman ang willing na magkuwento tungkol doon?

 

Ngayon lumabas na nga ang katotohanan. Bago pa pala ang Miss Universe ay split na sina Catriona at ang kanyang boyfriend na si Clint Bondad. Inamin din ni Catriona na hindi sila “on speaking terms”. Pero ipinipilit niya na ang dahilan daw ng kanilang split ay dahil “we outgrew each other”. Inamin niyang mga bata pa sila nang maging mag-on, at sa pagdaraan ng mga panahon may mga lumabas na mga personal issues na hindi nila napagkasunduan kaya nga nauwi sa split up.

Umiwas na rin si Catriona nang matanong siya kung in love pa ba siya sa dating boyfriend, pero sinabi niyang siya ay “thankful” sa naging pagmamalasakit sa kanya ng kanyang dating boyfriend at sa masasayang panahon ng kanilang pagsasama.

Sinabi pa niyang natutuwa siya na maganda ang takbo ng career ngayon ni Clint, at ayaw na raw niyang magsalita ng kahit na ano pa tungkol doon.

Kung pag-aaralang mabuti ang mga sinabi ni Catriona, mukhang hindi simply outgrowing kung hindi medyo may problema nga sila kaya umabot sila doon sa punto na hindi na sila nag-uusap. Nag-split sila at hindi na nag-usap hanggang sa ngayon. Iyon din pala ang dahilan kung bakit ang sagot ni Clint ay “I don’t know” nang tanungin siya tungkol kay Catriona.

Hindi dahil sa hindi lang siya na-inform kundi talagang hindi na siya ini-inform. Pero in fairness kay Clint, hindi siya nagsalita nang kahit na ano tungkol sa kanilang split, hanggang sa nagmula na nga kay Catriona na wala siyang love life sa ngayon at single siya.

Pero may nagsasabi ngang sa sitwasyong iyan, hindi lang si Catriona ang single. Single na rin si Clint at baka mas ok iyon ngayong pumapasok na siya sa showbusiness.

Mga pelikulang flop, sayang lang sa puhunan

May mga nagsasabi ngayon, sana raw kung maisasabatas na ang pagtatatag ng isang National Film Commission, maiba naman ang policy ng mga taong mamumuno noon. Ang sinasabi nga kasi nila, “pagwawaldas lang ng puhunan ang mga pelikulang hindi naman kumikita”. Totoo naman, pagsasayang ng pondo pati ang festivals na hindi naman pinanonood ng mga tao, sayang lang ang gastos.

Naisusulong nila ang gusto nilang mangyari sa mga pelikula nila, pero hindi kumikita ang mga iyon. Nanalo sila ng awards pero hindi rin naman nila naibebenta sa mga film market sa abroad ang kanilang mga pelikula. Papaano nga ba nila lalabanan ang mga pelikulang dayuhan sa foreign film market eh ang puhunan ng mga iyon ay umaabot ng milyong dolyar, samantalang ang mga pelikula nila ay tinatapos sa halagang tatlong milyong piso lang?

Aktres nabukong nagpapahada sa milyonaryong bakla ang BF na actor

Nasaktan daw talaga ang female star nang matuklasan niya ang katotohanan na ang kanyang boyfriend ay nakikipag-relasyon din sa isang milyonaryong gay businessman from the south.

“Hindi ako kagaya ng iba riyan (sabay banggit ng ibang mga female celebrities), na kayang sikmurain na ang boyfriend niya ay isine-share nila sa isang bakla,” sabi pa ng female star

Nakita raw kasi ng female star ang picture ng kanyang boyfriend, kasama ang rich gay sa abroad, samantalang ang alam niya ay may fashion show lamang na nilabasan iyon doon.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with