^

Pang Movies

Mga pinag-uutos ni Kuya labag na sa kagandahang asal

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa

Mukhang hindi na maganda ‘yung strategy na ginagawa ni Big Brother sa Pinoy Big Brother.

 

Paano natin maaasahan na magpakatotoo ang mga housemate kung pinagaaway niya’t iniintriga sila? Napaka-plastic naman niya na asahang magpapatuloy ang friendship ng mga housemate kung ginagawa niya ang lahat para sila mapaghiwalay.

Sobra lang talaga ang kagustuhan ng lahat para maging artista kaya okay lang kahit na ano ang ipagawa sa kanila ni Kuya, basta maabot ang pangarap nila at the expense of losing their dignity.

Marami ang nakakapuna na ang mga ipinag-uutos ni Kuya ay labas na sa kagandahang asal.

Mar mas priority na ang kambal

Well loved sina Sen. Mar Roxas at Korina Sanchez, hindi lamang ng pamilya at kamag-anak nila kundi maging ng mga kaibigan at tagasubaybay nila sa kanilang mga trabaho.Si Korina sa TV  at si Mar sa pulitika. At lahat sila ay nagbunyi nang sa kasagsagan ng political campaign ni G. Roxas ay nabalitang may anak na sila ng TV host, dalawa pa, kambal. It was an ideal addition sa napaka-effective at simpleng TV political ad campaign na napapanood ngayon para sa pagbabalik niya ng Senado. Full of heart and sincerity. Magaling ang nagkonsepto. 

Pero wala na marahil mas gaganda pang kampanya para kay Mar kaysa ang pagdating sa buhay nila ni Korina ng kanilang kambal, isang babae at lalaki.

Sulit ang matagal nilang paghihintay simula pa nang magpakasal sila nung December 2009. Fifty four na si Korina at 61 na si Mar.

Wala nang mas hihigit pang saya rito, maging matagumpay man si Mar o hindi sa kanyang pagbabalik sa Senado hindi mababawasan nito ang kanilang saya sa pagiging mga bagong magulang.

Maaring makaabala sa hectic sked ng senatoriable ang pag-iisip ng pangalan para sa kambal, pero pinaka-huli ito sa problema nila.

vuukle comment

PINOY BIG BROTHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with