^

Pang Movies

Korina enjoy sa pagpapa-dede

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Kambal nina Korina and MarSunod-sunod ang post ni Korina Sanchez kahapon ng mga larawan nila sa US at ng kanilang bagong silang na kambal na anak.

 

“Hello and good morning from the land where very good things have happened! So, didn’t you wake up today believing again that miracles can indeed happen?” ang caption ni ate Koring sa picture niya habang nasa harap ng bahay at sa paligid ay punong-puno  ng snow.      

Nagpost din siya ng pictures ng tatlong caregivers ng twins.

“Meantime, my magigiting na caregivers and I (yes, tatlo po sila kasi nag-panic ako na dalawa ang dadating) decide to celebrate in the snow and do a pictorial. That’s Marie Neri, Christine Senador and Jessica Siozan. They’re the BEST. My baby A Team!” caption ni Korina.

Nag-post din siya ng larawan ng mister habang karga ang isa nilang baby. Caption niya, “at sa  loob ng bahay? Guess who is trying to burp the babies??”

Kaaliw din ang photo ni Sen. Mar na mukhang puyat at may caption na “Kahit lima kami sa bahay, lahat kami may assignment and schedule. Ayan ang mukha ni husband pagpuyat sa pag-alaga ng dalawang baby. Dapat lang.”

Winner din ang larawan niya na nagpapadede sa dalawang bata nang sabay. Sa caption ay sinabi niyang ipakikita na nila ang mukha ng mga bata due to insistent public demand.

“Ako kahit puyat Kailangan fab parin pag hinaharap ko ang mga anak ko... Oo nga pala, Hindi pa sila nakakakita... Andaming nagrerequest pakita daw ng mukha ng mga bata...O sige na nga.”

Abangan nalang mamaya sa TVPatrol ha? Promise,” pahayag ni Korina sa caption.

Lumipad pa-Amerika ang mag-asawa and revealed na may anak na silang kambal sa pamamagitan ng surrogacy kung saan ibang babae ang magdadala sa kaniyang sinapupunan at magsisilang ng bata, na galing sa punla ng dalawang magulang.

Ang hindi pa nila sinasabi sa ngayon ang pangalan ng dalawang babies.

Annulment nina Paolo at Lian nag-wrong timing kaya natagalan

Kasalukuyan pa ring inaayos ni Paolo Contis ang annulment nila ng asawang si Lian Paz lalo nga’t may kanya-kanya na rin silang buhay ngayon with their new partner.

Siya ay happy na sa girlfriend na si LJ Reyes at kamakailan nga ay isinilang na ang kanilang first baby na si Summer Ayanna. Si Lian naman ay mayroon na ring non-showbiz partner.

May dalawang anak na babae sina Paolo at Liaz na kasalukuyang nasa pangangalaga ng huli.

Ayon kay Paolo, isa raw ang annulment sa prosesong kailangan nilang ayusin plus other things.

Hindi masyadong makapagsalita si Paolo sa prosesong nagaganap pero aniya, “it’s moving, matagal na. Matagal nang gumagalaw.

“May mga timing lang na hindi naging tama, merong mga naging delay na hindi inaasahan, pero it’s moving.”

Hindi pa raw nagmi-meet ang mga magkakapatid (anak nila ni Lian at anak nila ni LJ) pero wish daw niya na someday talaga ay mangyari ito.

“We live in a very not fair world, hindi naman perfect, pero you have to make the most out of what they have. I’m hoping na hindi sila maging part or hindi sila mag-suffer sa mga pagkakamali ng magulang nila.

“So we’re doing everything, I’m doing what I can to somehow make it good. Hindi ‘yan magiging perfect ever. Kasi hindi na nga, eh, di ba?

“Pero at least man lang, ayokong may ma-feel silang mali about them. Because it was never their fault. Lahat ‘yan, kailangang maidaan sa legal para mas maganda,” pahayag ni Paolo na kasama sa bagong GMA-7 drama series na Hiram na Anak with Yasmien Kurdi, Dion Ignacio, Empress Schuck and Lauren Young.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with