LT at Coco may reunion, dating mag-ina!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 23, 2019 - 12:00am

Sobra akong excited na mapanood sa Ang Probinsyano si Lorna Tolentino.

 

Nang magkasama sila ni Coco Martin sa Minsan Lang Kita Iibigin noong 2011, grabe ang naging addiction ko sa mga teleserye.

Si Coco ang gumanap na anak nina Lorna at Amy Austria kaya sila ang madalas na magkakasama sa taping tapos kasali rin sa teleserye si Tonton Gutierrez.

Damang-dama ko ang love ni Deo Endrinal para sa akin dahil ang gaganda ng role nina Lorna, Amy at Tonton.

Nakita ko sa Minsan Lang Kita Iibigin ang pagiging mahusay na aktor ni Coco kaya excited ako na magkakatrabaho uli sila ni Lorna sa Ang Probinsyano.

Gusto ko nang mapanood ang mga eksena together nina Lorna at Coco sa Ang Probinsyano para makita ko na uli ang nami-miss ko na chemistry nila sa Minsan Lang Kita Iibigin. Thank you Coco and Deo.

Boy nagpasalamat kay Joy

Expected ko na ang endorsement ni Boy Abunda sa mayoralty bid ni Joy Belmonte sa Quezon City.

Noon pa man, nakita na ni Boy ang magandang ginagawa ng mga Belmonte at ako naman, isa sa mga hinahangaan ko na public servant  si Papa Sonny Belmonte.

Ang galing at ganda ng PR ni Papa Sonny dahil kahit saan ka niya makita, lalapit at babati siya.

Ang yabang nga ng feeling ko na Speaker of the House pa ang lumapit para i-greet ako. Na-feel ko kung gaano ka-sincere ang Belmonte family sa pakikisama kaya hindi kataka-taka na pasalamatan ni Boy ang malaking naitulong ni Joy sa mga advocacy niya.

Sabi ko nga, kahit sabihin mo na maganda ang performance ng Makati dahil kay Mayor Abby Binay, ipinagmamalaki ko rin na maganda ang performance ni Joy sa Quezon City. Solid Joy Belmonte kami nina Boy at Cristy Fermin, promise!

Mga produktong nakakalakas ng katawan!

Ang bait-bait talaga nina Ryan at Vanni Patillas ng IVI Meth dahil nagpadala uli sila ng mga product na natabunan yata ng mga bagong supply ng collagen drink na araw-araw ko na iniinom para sa buto, joints, at para gumanda ang skin ko.

At the age of 72 (sa May 10) kailangan ko na talaga ng maintenance at pinakamaganda ang IVI collagen drink at ang kanilang night and day cream.

Na-discover ko rin ang Barley drinks na effective sa pang-tunaw ng mga kinain para maiwasan ang constipation.

Si Papa Piolo Pascual ang dating celebrity endorser ng Barley drinks kaya no wonder, very hunky ang kanyang katawan.

Mabuti na lang, may product na ganito na malaking tulong sa mga superior senior citizen na tulad ko dahil ‘yon ang mga nakatutulong sa health natin.

Salamat Ryan at Vanni Patillas, salamat Mayette sa Barley kaya kung talagang gusto n’yo pa na magkaroon ako ng longer life, give n’yo ako ng supply ng inyong mga produkto.

 

 

LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with