Mga kababayan ni Lito nagsasaya
Vir Gonzales (Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa bayan ng Porac, Pampanga, nagbubunyi ang ilan dahil pangatlo raw ang kanilang idol na si Lito Lapid sa survey.

 

Matatandaang wala na ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin si Lito dahil mag-uumpisa na siya sa pangangampanya.

Samantala, malaki ang naitulong sa kanya ng nasabing serye, hindi lang sa kanya, kung hindi maging sa kanyang anak din na si Mark Lapid.

Winwyn at Mark gumigimik lang daw

Kamakailan lang ay ginulat ni Winwyn Marquez ang showbiz press nang aminin niyang hiwalay na sila ng boyfriend na si Mark Herras. Nasa presscon siya ng kanyang bagong pelikula na Time & Again kasama ang leading man niyang si Enzo Pineda nang ihayag niya ang tungkol dito.

Ayon kay Winwyn, maayos daw ang naging hiwalayan nila ni Mark at wala raw third party, isa lamang daw itong mutual decision.

Hindi klaro para sa marami kung bakit sila naghiwalay ni Mark, kaya naman ang nasa isip ng marami ay gumigimik lamang ang dalawa para sa pelikula nito.

Maine susundan na si Arjo sa Dos?!

Para sa AlDub fans, hate na hate nila si Arjo Atayde para sa idol nilang si Maine Mendoza, ang gusto lamang nila para sa huli ay si Alden Richards lang. Pero para sa mga malalawak ang utak at totoong tagasuporta ng tatlo, masaya sila para sa mga ito.

Samantala, tanong ng ilang fans, dahil inlove na ngayon si Maine kay Arjo, may posibilidad kaya na lumipat na ito ng ABS-CBN para magkasama na silang talaga?! Let’s see.

Personal…

Congrats kay Amy Rodriguez at Marivic Tengco-Burgos for franchise PSC Excellence Award sa Baliwag, Bulacan.

LITO LAPID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with