Dion wala sa planong sundan agad ang anak
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

Si Dion Ignacio ang isa sa mga nanalo sa Starstruck Batch 1 ng talent-artista search ng GMA Network, at since then, hindi siya nagbalak umalis sa kanyang network.

 

“Hindi po kasi ako pinababayaan ng GMA,” bungad ni Dion after ng mediacon ng bago niyang serye, ang Hiram Na Anak.

“Tulad po ngayon, hindi ko ini-expect na magkakaroon agad ako ng bagong show, dahil last November, 2018 lamang natapos ang Victor Magtanggol. Kaya labis-labis po ang pasasalamat ko. Reunited ako kay Yasmien (Kurdi), na kasama ko sa Starstruck at ang last serye na ginawa namin ay Saan Darating Ang Umaga 10 years ago.”

Hindi raw naging sila ni Yasmien noon, kay Rainier Castillo kasi nai-love team si Yasmien, at siya naman ay kay Sheena Halili.

At 32, hindi itinanggi ni Dion na happily living siya with her girlfriend at one year and seven months old na ang baby girl nila na si DJ (Dylanne Jailee). 

Flight attendant ng Etihad Airlines ang girlfriend niya at nagkahiwalay sila for eight years, nang muli silang magkatagpo sa Instagram, muli silang nagsama at isinilang nga si DJ. Kailan naman ang kasal nila?

“Nag-iipon pa po kami, retired na siya sa Etihad at mayroon siyang business at ako naman dito sa showbiz, gusto ko rin po munang makapagpatayo ng bahay para sa family ko sa Marikina, sa nanay ko, since nasa Bacoor, Cavite naman kami ng mag-ina ko. Kaya wala pa po muna kaming balak sundan si DJ, ipon muna kami. Happiness po namin si DJ kasi masayahin siya kaya alis ang pagod mula sa trabaho kapag nakita ko na siya.”

Kaya no wonder na malapit kay Dion ang bago nilang serye na Hiram Na Anak dahil gaganap silang mag-asawa ni Yasmien na hindi pinalad magkaroon ng sariling anak. Nakabuo sila ng baby pero namatay at hindi na ito nasundan kaya napagkasunduan nilang mag-ampon, si Duday (Leanne Bautista), na magpapabago sa buhay nilang mag-asawa at sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Sa direksyon ni Gil Tejada Jr., mapapanood na sila simula sa Lunes, February 25, sa morning time slot, 11:30 AM before Eat Bulaga sa GMA-7.

Thea at Mikoy nagkabalikan na!

Naging sina Thea Tolentino at Mikoy Morales, na produkto ng talent search na Protegé pero last year, bigla silang nag-break. Gusto raw nilang mag-focus muna sa kani-kanilang work. Pero nakikita namin silang magkasama sa anumang events na puntahan nila, kaya biro namin sa kanila, sila pa rin sa huli.

Sa last taping day ng Asawa Ko, Karibal Ko, inamin ni Thea na nagkabalikan na sila muli ni Mikoy, na-realize nilang niloloko lamang nila ang mga sarili nila sa pagdi-deny sa isa’t isa, dahil wala raw silang makitang qualities nilang dalawa sa mga nanliligaw kay Thea at sa nililigawan naman ni Mikoy.

Pero sad ngayon si Thea dahil last two weeks na lamang sila sa kanilang Afternoon Prime series. Sana raw ay huwag kalimutan silang subay­bayan hanggang sa huli dahil marami pang magagandang eksena silang ipakikita, Mondays to Saturdays after ng Eat Bulaga.

DION IGNACIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with