Angel tumanggi sa indie film!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

Hindi na pala matutuloy si Angel Locsin sa indie film na entry sa 2019 Cinemalaya dahil ibang aktres na ang nakita naming magbibida sa pelikula.

 

Naikuwento kasi ng isang batang aktres na makakasama niya si Angel sa Cine­malaya entry at super excited ang batang aktres dahil first time niyang makakatrabaho sana si Angel.

Sabi pa ng batang aktres, kailangan niyang galingan ang akting niya para hindi siya mapahiya kay Angel at para makasabay siya rito. Pero ang latest, hindi na matutuloy ang actress sa nabanggit na Cinemalaya entry at may kinalaman siguro ang schedule niya.

Ginagawa nito ang The General’s Daughter na matindi ang taping at kailangan ang kanyang konsentrasyon, kaya kahit maganda ang project, kanyang tinanggihan.

Isang magaling na aktres ang pumalit kay Angel sa pelikulang ayaw naming banggitin ang title dahil baka hindi alam ng aktres na unang kinunsider si Angel.

Maine at Alden pinipilit ng fans na may anak na

May mga naniniwala pa rin pala na may anak na sina Alden Richards at Maine Mendoza dahil may AlDub fans na nagpapakalat nito. Kahit nilinaw at dinenay na ng sister ni Maine na walang anak ang kapatid at ‘yung baby na karga nito ay anak ng empleyado nila sa Shell, ayaw pa ring maniwala ng ibang fans.

Kahapon, may naglabas ng picture ng baby boy na anak daw nina Alden at Maine na agad kinontra ng ibang fans dahil ang sinasabing baby, anak ng Indonesian o Malaysian couple na makikita online. Pero may nanatiling naniniwala na anak nga nina Alden at Maine ang baby at ang iba sa kanila, nanghihingi pa ng ibang pictures ng baby.

Tanong ng netizens sa naglabas ng picture ng baby, hindi raw ba siya natatakot na mademanda sa ginagawa niya? Inilabas ang baby bilang pangontra sa lumabas na pictures nina Maine at Arjo Atayde, kaya lang, fake news naman.

Nakakaaliw, hindi alam nina Alden at Maine na may anak na sila o kung alam man, pinabayaan na lang nila dahil kahit anong pagtanggi ang kanilang gawin, hindi rin naman maniniwala.

Yasmien sobra-sobra ang blessings

Naaliw si Yasmien Kurdi sa mga kaibigang reporter na sinasabing siya ang favorite actress ng mga reporter. Bilang pasasalamat ‘yun sa pagsi-share ni Yasmien ng blessings tuwing may presscon siya.

Nangyari uli ang pagsi-share ni Yasmien sa presscon ng morning series na Hiram na Anak at lahat ng reporters na present ay nabigyan ng red envelope. Kaya napapangiti si Yasmien sa hirit ng press na favorite nila siya na in fairness, totoo naman dahil isa si Yasmien sa pinakamabait na artista.

‘Katuwa dahil hindi dinenay ni Yasmien na malaki ang sahod ng asawa niyang piloto pero hindi na sinabi ni Yasmien kung magkano ito. Plus, may talent fee siya sa GMA-7, kaya maganda ang buhay nilang magpamilya at nakakapag-share pa.

Anyway, sa Monday, February 25, bago mag-Eat Bulaga, magpa-pilot na ang Hiram na Anak na kung saan, ginagampanan ni Yasmien ang role ni Miren na hirap magkaanak pagkatapos makunan. Manghihiram siya ng anak at magkakaproblema kapag binawi na sa kanya na ang director ay si Gil Tejada, Jr.

 

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with