Relasyong Maine at Arjo lantaran na!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

Ngayon, pinag-uusapan nila na si Maine Mendoza na mismo ang nag-post sa social media ng picture kung saan magkasama sila ng kanyang rumored boyfriend na si Arjo Atayde. Siguro nga masasabing iyan ang una niyang pagpapakita ng reaksiyon matapos aminin ni Arjo na silang dalawa ay “exclusively dating.” Noon kasing sabihin iyon ni Arjo, walang narinig na comment galing kay Maine.

Siguro nga wala naman kasi siyang pagkakataon dahil mababanggit ba naman niya iyon sa kanilang noontime show eh naroroon ang kanyang “ka-love team lang naman” na si Alden Richards.

Kung magsasalita nga naman siya roon tungkol kay Arjo, baka lalong magwala ang AlDub fans at sabihing binabastos naman si Alden. Pero kung iisipin, hindi naman pambabastos iyon dahil hindi naman sila naging mag-syota. Hindi naman nanligaw si Alden kay Maine.

Diyan sa bagong aksiyon ni Maine, parang inamin na rin niya sa publiko na talagang “may understanding” na nga sila ni Arjo at hindi na nila itinatago iyon.

Kung sabagay, ano nga ba ang dahilan para itago nila ang kanilang relasyon eh totoo namang may unawaan na sila. Hindi namin sinasabing mag-syota pero ano pa nga ba ang tawag doon kung sila ay nagkasundo nang hindi makikipag-date kanino man maliban sa isa’t isa? Kung may control na sila sa isa’t isa, maliwanag na may relasyon. Bakit naman itatago iyon?

Walang impediment. Walang anumang sagabal na legal o moral kung silang dalawa ay may relasyon nga dahil pareho naman silang mga binata’t dalaga.

Bakit nga naman hindi pa nila aaminin iyan sa publiko?

Matteo waging hunk of the year

Narinig na ba ninyo, si Matteo Guidicelli ang piniling “Hunk of the Year” ng isang samahang ang tawag ay Opinionista Choice Award. Hindi maliwanag sa amin kung sino ang bumubuo ng samahang iyan na nagbigay ng award.

Hindi rin namin alam kung ano pa ang ibang titles ng kanilang award. Basta ang sinasabi nilang naging runner up ni Matteo ay sina Tony La­brusca, Marco Gumabao at Jake Ejercito.

Ewan din kung nagkaroon nga ba sila ng awards night, basta nakita lang namin ang kanilang mga ginawang announcement na lumalabas sa mga social media platforms.

Siyempre ang ginagamit nilang pictures ay iyong nagpapakita ng katawan ni Matteo, na mukhang galing naman sa commercial ng isang brand ng pantalon na kanyang ine-endorse.

Iyong mga picture na iyon ay makikita mo naman talaga sa mga malalaking malls.

Aktor na may GF na aktres, may karelasyong 2 bading

Ano raw kaya ang gagawin ng isang female star kung makumpirma na niya ang kuwento na ang kanyang boyfriend na actor din ay may karelasyon ding hindi lang isa kung hindi dalawang bading pa.

Kung sabagay, liberal na ang isip ng karamihan sa mga babae ngayon. Ano pa nga ba ang pakialam nila sa mga bagay na ganon. Pero kung minsan sinasabi nga ng mga babaeng nakakailang din dahil sa sinasabing ang isang lalaki kung pumatol sa bading, malamang na bading din o kaya naman ay mapagsamantala dahil tiyak na may nakukuha iyon sa bading kaya pumatol.

Pero may nagsasabi, “baka katuwaan lang iyon” dahil ngayon gumaganda naman ang career ng actor at hindi nga masasabing kailangan niya ng pera kaya niya ginagawa iyon. Ano nga kaya ang maging reaksiyon ni girlfriend?

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with