Lani nagpaplano nang magtagal sa Pilipinas!
Lani nagpaplano nang magtagal sa Pilipinas!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

Mali ang akala ng marami na sa bansa na maglalagi ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha.

 

Tatapusin lang ni Lani ang The Aces concert niya sa Smart Araneta Coliseum on March 30 kung saan kasama niya sina Jona at Darren Espanto at babalik na siya sa Las Vegas, Nevada.

Ayon sa mister ni Lani na si Noli Misalucha (na siya ring namamahala sa career ng Asia’s Nightingale), mula April hanggang August ay nasa Amerika sila para sa ilang commitments doon.

Pero may balita rin naman na eventually ay maninirahan na uli sa bansa ang mag-asawa dahil puro adult na rin naman ang mga anak nila na based sa Amerika.

Kung matatandaan, binitawan ni Lani ang napakaganda niyang career noon sa bansa dahil gusto niyang makasama ang kanyang pamilya na makapag-migrate sa Amerika.

Pero ngayong dalawa na ang kanyang apo (bale tatlo ang bilang niya dahil ang isa niyang anak ay may step-child), puwede na siyang mag-base uli sa Philippines.

In fairness to Lani, napakarami pa rin niyang mga offer na trabaho hanggang ngayon.

IBC13 magiging Kaibigan na

Ngayong si Ms. Kat de Castro na ang president/CEO ng IBC 13, makikilala na raw ang dating number one TV network bilang Kaibigan network.

Wala naman silang balak makipag-compete sa top TV networks ngayon, pero marami rin naman silang new local shows na ipo-produce, puwera pa ang ibang TV shows na ibabalik nila bilang IBC 13 TV Classics.

May TV docu-special din silang inihahanda na ipapalabas on March 8 at magkakaroon sila ng announcement tungkol doon.

Galing sa ABS-CBN si Kat at namahala rin siya ng production company ng kanyang pamilya (tatay niya si former Philippine Vive President Noli de Castro), kaya marami siyang ideas na gustong gawin sa Trese.

In fairness, excited din ang mga taga-IBC 13 sa pagpasok ni Kat bilang head nila!

AlDub fans natameme sa ginawa ni Maine

Ang bongga, Ateng Salve, nagre-rejoice ang fans na maka-Arjo Atayde at boto sa sinasabing relasyon nila ni Maine Mendoza dahil nag-post na ang huli ng picture nila ng binata sa Instagram story nito ang phenomenal star ng Eat Bulaga.

Kuha ang picture ng rumored-sweethearts sa photo wall ng isang event ni Maine.

Wacky ang dating nila sa picture na ‘yon na ang caption ni Maine ay, “Uy, may fan.”

Siguro naman hindi na sasabihin ng ibang AlDub fans na retoke lang ang picture na ‘yon dahil sa mismong account na ni Maine lumabas ‘yon, ‘noh?!

May ibang AlDub fans nga raw ang nag-iisip kung magpapahinga na lang muna sila, huh!

Naku, kung ako sa kanila, tanggapin na lang nila na si Arjo talaga ang pinakamalapit ngayon sa puso ni Maine, pero ‘yung team-up naman ng dalaga with Alden Richards sa Eat Bulaga ay hindi naman basta mawawala dahil sa katotohanang ‘yon.

Remember, marami rin namang katulad nina Maine at Alden na kahit magka-love team ay may ibang minamahal!

‘Yun na!

LANI MISALUCHA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with