^

Pang Movies

Janine atat sa pagdalaw ni Noah Centeneo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Janine atat sa pagdalaw ni Noah Centeneo

Pati celebrities ay kinikilig sa posibleng pagdating sa bansa ng Hollywood actor na si Noah Centeneo na bagong Bench endorser. Nabasa namin ang mga pangalan nina Solenn Heussaff, Gabbi Garcia, Leila Alcasid, Ylona Garcia, Max Collins, Katarina Rodriguez, Ash Ortega, Megan Young sa mga nagpahayag ng tuwa at kilig.

 

Comment ng mga celebrity, ‘wag silang kalimutan ng Bench sakaling dalhin siya sa bansa ni Mr. Ben Chan. Iyong ibang celeb, hindi pa siguro alam na in-announce na si Noah ang bagong Bench endorser.

Isa si Janine Gutierrez sa aminadong crush ang aktor.

Si Noah ay napanood sa Netflix romcom series na To All the Boys I’ve Loved Before at sa Sierra Burgess Is a Loser.

Louise mas mukhang buntis, kahit busog lang

Kinailangang sagutin ni Louise delos Reyes ang followers niya sa Instagram (IG) na nag-akalang buntis siya dahil malaki ang tiyan ng aktres sa pinost na picture kasama ang boyfriend.

Hindi lang isa ang nagtanong ng “buntis ka?” kaya sumagot si Louise ng “Guys busog lang ako” at sinamahan ng emoji na nakalabas ang dila.

Pero, hindi pa rin tumigil ang iba sa pagtatanong kung preggy ba siya na hindi na sinagot ni Louise.

Tiningnan namin ang litrato ni Louise na nakayakap sa BF niya at totoo namang malaki ang tiyan nito, kaya hindi nakakagulat kung isiping buntis siya. Pero pinuri rin si Louise dahil hindi raw siya nag-i-edit ng picture na pino-post at kung ano ang natural, ‘yun ang pino-post.

Natawa lang kami dahil may nakakita siguro kina Louise at sa BF nito sa venue kung nasaan sila dahil may nag-comment na hindi pwedeng buntis si Louise dahil nakita niya itong umiinom ng alcoholic drink.

Angel balik-taping na uli

Nag-taping na pala uli si Angel Locsin sa The General’s Daughter noong Monday daw at sa Tagaytay ang location. Ang sabi, hindi director ang problema, kaya si Manny Palo pa rin ang director ng teleserye.

Ang tsika, production staff at wardrobe ang isyu ni Angel sa The General’s Daughter and hopefully, after niyang mag-walkout, nagawan na ng paraan at naayos kung anuman ang inerereklamo ni Angel sa kanila.

vuukle comment

CENTENEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with