^

Pang Movies

Lauren thankful sa mga biyaya

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Bakit nga ba ang mahusay na kontrabidang si Lauren Young ay hindi naiintriga, na hindi siya nag-primadonna sa set, o dinala niya sa set ang kanyang character sa seryeng ginagawa niya.  Ang lagi mong naririnig na sinasabi ng production staff ay mahusay na, mabait pa si Lauren.

 

“Binabayaran ko sila para hindi nila ako siraan, charot!” say ni Lauren. “Ba-kit naman kasi ako magmamaldita, lalo na sa production staff. I love my work, I love what I’m doing at lagi kong ipinagpapasalamat na may trabaho ako. 

“Kapag masungit ka, mawawalan ka ng trabaho. Dapat ka pa bang m­agreklamo sa blessings na ibinibigay sa iyo, mayroon kang air-conditioned tent, libre ang food, saka tinanggap mo ang work, nasa contract mo iyon kaya you should deliver, ang ganda-ganda ng trabaho namin. Kung halimbawa inabot ka ng the next day na nagtatrabaho at hindi ka nakatulog, bakit ka magrereklamo, pwede namang matulog pag-uwi mo pagkatapos ng taping. Kaya I’m really thankful sa GMA Network dahil hindi ako nawawalan ng trabaho. After ng Contessa, nagpunta pa ako ng Korea to shoot some scenes in a Koreanovela with Ejay Falcon, at ngayon, my new project, itong Hiram Na Anak.”

Kontrabida muli si Lauren as Dessa sa teleserye na dinidirek ni Gil Tejada na ikinatuwa ng actress dahil first time niya to work with the director at first time rin nilang magkakasama ni Yasmien Kurdi. Si Dion Ignacio naman ay nakatrabaho na niya sa Marimar ng sister niyang si Megan Young. Love triangle naman sila sa serye nina Empress Schuck at Paolo Contis.

Sa Monday, February 28, ang premiere telecast ng Hiram Na Anak sa morning time slot, 11:30 AM bago ang Eat Bulaga sa GMA-7.

Onanay ayaw pang mag-ending ng netizens!

Nasa last two weeks na ang fa­­mily drama na Onanay, pero maraming netizens na nakikiusap sa GMA Entertainment TV kung pwede pa itong i-extend dahil lagi raw kaabang-abang ang mga eksena nilang napapanood. Ilang gabi nang napapaiyak ang mga netizens sa mahusay na acting ng Superstar na si Nora Aunor bilang si Nelia, ang ina ni Onay (Jo Berry).

Comments ng mga netizen sa Facebook ni Nora Aunor, naalaala raw nila sa nasabing eksena ang iconic scene ng Superstar sa kanyang 1976 classic film na Minsa’y Isang Gamu-Gamo na kulang na raw lamang sabihin ni Nelia ang pamoso niyang linya noon na “My brother is not a pig! Ang kapatid ko’y tao, hindi baboy damo.”

 

vuukle comment

LAUREN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with