^

Pang Movies

Hunk actor kumpirmadong bakla, ramp model ang nilalandi!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kinumpirma ng isang male commercial and ramp model ang pangu-ngulit sa kanya ng isang kinababaliwan ng mga beki at girls na hunk actor

 

Hindi rin daw makapaniwala ang male mo-del na may berdeng dugo pala ang hunk actor na ito na dating sumali sa isang singing contest pero napapanood na sa ilang TV shows at indie films.

Kuwento ng male model na habang nasa gym daw siya ay may nag-text sa kanya ng “I’m watching you. You look good.” 

Akala ng male model ay isa ito sa mga girl na nakakasabay niya sa gym. Sinagot niya ito ng “Thank you. Will I get to meet you soon?” 

Sagot naman ay: “Someday.”

Kaya tuwing nagwu-workout ang male model ay parati itong nakakatanggap ng naughty text mula sa kanyang mystery admirer. Na parang inaakit siya dahil panay puri nito sa magandang katawan niya. Natutuwa naman ang male model dahil lalo siyang ginaganahang mag-workout dahil gusto niya na maganda ang katawan niya kapag nagkita sila nito.

Dumaan ang three weeks at habang nasa isang go-see si male model ay nakatanggap siya ng text na nasa paligid lang daw ang admirer niya. Kaya naisip ng male model na isa ring modelo ang nagte-text sa kanya. Kaya isa-isa niyang ti­nitingnan ang mga female models na nakakasabay niya sa go-see. Baka matiyempuhan niyang may tumingin sa kanya at yun na ang kanyang mystery admirer.

Pero natapos ang go-see ay wala naman daw lumapit sa kanya o nagpa-ramdam na siya yung mystery admirer. Sinubukan tawagan ni male model ang number pero hindi ito sinasagot. Baka nga hindi pa ito ready na magpakilala sa kanya.

Pagkatapos ulit ng isang linggo habang nasa backstage ang male model para maghanda sa isang fashion show, biglang nakatanggap siya ng isang FaceTime alert. Number ng kanyang mystery admirer ang nakalagay at baka ready na itong magpakilala. Noong pindutin ni male model ang accept, nagtaka siya kung bakit parang boses ng mga lalaking nag-uusap ang naririnig niya. Biglang may tumingin sa screen na pamilyar sa male model ang mukha at parang nagulat pa ito at sinabing “Shit! Napindot ko FaceTime!” sabay in-off na ito.

Dun na nalaman ng male model na inii-stalk siya ng isang lalaki at hindi babae. Mabuti at na-screen shot niya ang buong mukha ng lalaki at tinanong niya sa mga co-models niya kung ano ang name ng guy? Natatandaan niya na isa ito sa nakasabay niya sa isang go-see.

vuukle comment

MALE MODEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with