^

Pang Movies

Kathryn inaabangan kung susuportahan ang pelikula ni Karla!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

In fairness to Karla Estrada, mukhang hindi naman talaga totoo ang pang-iintriga ng iba na may problema sa relasyon ng anak niyang si Daniel Padilla sa girlfriend nito of more than five years na si Kathryn Bernardo.

 

Kapag natatanong nga si Karla tungkol doon, talagang nililinaw niya na walang pinagdaraanan sina Daniel at Kathryn.

Teka! Kung walang problema ang KathNiel, makita ko rin kaya si Kathryn sa premiere night ng Familia Blandina movie ni Karla?

Sana!

Kira gusto ring magka-korona

Kasama sa pelikulang Familia Blandina ang Star Magic artist na si Kira Balinger.

Nabanggit ni Kira na gusto rin niyang maging beauty queen, kaya may mga nagsa-suggest na siya dapat ang gumanap sa life story ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kung gagawin ‘yon ng Maalala Mo Kaya.

In fairness, maganda rin naman si Kira na sinasabing girlfriend daw ng Hashtags member na si Ryle Santiago.

Barbie at Mika ‘di natalo si Coco

Hindi natalo sa rating game ng pilot episode ng Kara Mia ang FPJ’s Ang Probinsyano, pero masaya ang GMA 7 management sa magandang feedback ng viewers sa bago nilang series.

Umaasa ang mga taga-Kapuso network na mas magiging maganda ang ratings ng Kara Mia habang tumatakbo ang series.

Sa social media, grabeng pag-usapan ang Kara Mia na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Ruffa may bagong manager na

Biyahe pa-Niseko, Japan si Ruffa Gutierrez at ang mga anak niyang sina Lorin at Venice.

Sa Sunday ang alis nila.

Hindi ko alam kung kasama roon ang boyfriend ni Ruffa Gutierrez na si Jordan Mouyal.

Hindi ko na rin alam ang status ng relasyon nila dahil hindi naman masyadong nababanggit ni Ruffa si Jordan.

Mukhang iniiwasan din talaga ni Ruffa na magka-conflict pa sila ng nanay niyang si Annabelle Rama, kaya pagdating sa relasyon nila ni Jordan ay quiet na lang muna ang former Miss World 1993 first princess.

Samantala, under Cornerstone management na si Ruffa at pinaghahandaan na niya ang isang bagong teleserye.

Trabaho muna ang priority ni Ruffa, kaya after daw ng Niseko ay matatagalan muna ang next trip abroad ng nanay nina Lorin at Venice.

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with